Kathryn Bernardo on rumored boyfriend Daniel Padilla: “Hindi ko siya ipagkakait sa iba.”

"Ang selfish ko naman kung sabihin ko na ayaw kong manligaw siya sa ibang babae," says Kathryn Bernardo, adding that she and Daniel Padilla are not yet in a relationship.


Nilinaw ni Kathryn Bernardo na hindi pa sila opisyal na magkarelasyon ni Daniel Padilla.

Ito ay sa kabila ng espekulasyong matagal nang magkasintahan ang sikat na teen loveteam ng ABS-CBN.

Nauna nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkumpirma ng ilang sources na malapit sa young couple na pormal silang naging magkarelasyon noong nakaraang taon.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources

Sa kanyang live guest appearance sa The Buzz noong Linggo, March 1, sinabi ng 18-year-old Kapamilya actress na hindi pa sila ni Daniel.

“No. No, no... hindi pa,” paglilinaw ni Kathryn nang tanungin ni Kris Aquino kung ano ang tunay na estado ng relasyon ng young couple.

Sa kabilang banda, aminado ang young actress na sadyang malapit sila sa isa’t isa ni Daniel, lalo pa’t “three years” na ang pinagsamahan nila bilang loveteam.

“Yeah, kasi kami ni DJ, palagi kaming tinatanong.

"Hindi naman namin maitatago na special kami sa isa't isa, siguro, we're very close, ganyan.

“And kinu-consider na lang din namin siguro na yung day na naging loveteam kami or na-pair up kami sa isa’t isa, yun na lang ang parang anniversary or something,” paliwanag pa ni Kathryn.

Upang mas bigyang-linaw kung ano man ang pagkakaintindihan ng young couple, tinanong ng The Buzz co-host na si Boy Abunda kung pinagbabawalan ni Kathryn si Daniel na manligaw ng ibang babae.

Bilang sagot, inihayag ni Kathryn na tanging si Daniel ang makakapagsabi kung sino man ang mapusuan nito.

“Yes, may right naman [si Daniel magkagusto sa iba].

“Ang selfish ko naman kung sabihin ko na ayaw kong manligaw siya sa ibang babae kasi he's very young, 19 [years old].

“And parang, hindi ko siya ipagkakait sa iba, kasi siya na yun, e,” saad ng dalaga.

Sa kabilang banda, hindi direktang sinagot ni Kathryn kung pinagbabawalan siya ni Daniel na magpaligaw sa ibang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam,” bitin na sagot ni Kathryn.

Kasama dapat ni Kathryn si Daniel sa live guest appearance sa naturang talk show, ngunit hindi nakarating ang binata dahil mayroon itong “TVC shooting,” ayon sa young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN