Jolo Revilla’s condition "deteriorating", says Revilla family spokesperson

Ayon sa spokesperson ng pamilya Revilla na si Atty. Raymund Fortun, gusto pa raw sana ni Senator Bong Revilla na i-extend ang kanyang pagbisita sa anak na si Jolo Revilla, na kasalukuyang naka-confine sa Asian Hospital, ngunit hindi raw ito posible alinsunod na rin sa kautusan mula sa Sandiganbayan.


Isang presscon ang naganap ngayong Martes ng hapon, March 3, sa Asian Hospital and Medical Center dahil nagbigay ng update si Atty. Raymund Fortun, spokesperson ng pamilya Revilla, tungkol sa kalagayan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

“Deteriorating” o “lumulubha” ang mga salitang ginamit ni Atty. Fortun nang ilarawan nito ang kasalukuyang sitwasyon ni Jolo, na binisita ng kanyang amang si Senator Bong Revilla sa ospital ngayong hapon.

Read: Cavite Vice Governor Jolo Revilla apologizes to dad Senator Bong Revilla

Sumailalim sa operasyon si Jolo upang tanggalin ang balang tumama sa kanyang kanang dibdib matapos aksidente diumanong mabaril nito ang sarili, habang naglilinis ng baril, noong February 28.

Isang buong talampakan diumano ang laki ng sugat na nilikha ng tama ng baril sa katawan ni Jolo.

Saad ni Atty. Fortun, “Sigurado po, mahina ang katawan niya.

“Namumutla, mahina ang kanyang boses at, obviously, he’s been in a lot of pain.

“Nakausap ko po ang attending physician niya.

“Ang sabi nga, mas may iniinda than yesterday. He’s obviously in a lot more pain than yesterday.

“We’ll probably find out in the CT scan tomorrow.

“That’s why yung mga doktor, kailangan talaga nila na matingnan internally.”

Ayon pa kay Atty. Fortun, may “abdominal distension” o “abdominal swelling” si Jolo.

“The term used was contrast.

“It was CT scan contrast para talaga matingnan kung ano ang nangyayari sa loob.

“Hindi pa natatanggal yung chest tube. Hindi pa tinatanggal.

“Up to today, a total of 800 cc's of blood had already been extracted from the chest.

“Noong Sunday [March 1], noong nagkaroon ng operation, 500 cc’s were taken out, kalahating litro po ‘yon.

“And yesterday, 200 cc’s po yung natanggal, which is about isang bote ng Coke.

“And then, today, nadagdagan pa po ng 100 cc’s.”

TRYING TO BE STRONG. Nagkuwento rin si Atty. Fortun ng tungkol sa pagkikita nina Jolo at Senator Bong sa ospital ngayong hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Umiiyak si Jolo. Definitely, umiiyak si Jolo.

“Si Senador was trying to be strong as well, pero siyempre hindi mo na mapipigilan ‘pag ganoong time.

“It was pretty expected.

“Yung mga kapatid were also trying to be strong for Jolo.”

Dagdag pa ni Atty. Fortun, “The Revilla family is a very strong family.

“Wala pong mga outwards signs ng mga nag-iiyakan at naghihiyawan, but I saw some tears, pero wala naman po naghi-hysteria.”

Gusto rin daw sanang humingi ni Senator Bong ng mas mahabang oras para makapiling si Jolo, ngunit hindi raw ito posible.

Saad ni Atty. Fortun, “The senator would have wanted to get an extension with regard to his present visit, but I regrettably had to tell him that the court orders were very clear.

“He cannot stay up to 8 P.M., so I would probably expect that he would ask his handling lawyer to file an urgent motion tomorrow morning, probably so he can be given another chance to pay a visit.”

Si Atty. Fortun ang nag-release sa media ng mga larawan nina Senator Bong at Jolo na kuha niya mismo.

Pero pinahinto raw siya ni Jolo dahil hindi nito nagustuhan ang picture-taking na ginagawa ng abugado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN