Cavite Vice Governor Jolo Revilla apologizes to dad Senator Bong Revilla

A tearful reunion between Cavite Vice Governor Jolo Revilla and his father Senator Bong Revilla. The detained senator was allowed by the Sandiganbayan to be with his son for five hours.


Naging madamdamin ang pagtatagpo ng mag-amang Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital and Medical Center ngayong Martes ng hapon, March 3.

Na-confine sa nasabing ospital si Jolo dahil sa tama ng bala habang naglilinis diumano ito ng baril noong February 28.

Read: Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Bagamat may anggulo ring nagtangka diumanong magpakamatay ang 26-anyos na bise-gobernador ng Cavite dahil sa matinding depresyon.

Read: Jolo Revilla attempted to commit suicide, says source; Revilla family spokesman says it was accidental

Ngayong araw ay pinagbigyan ng Sandiganbayan ang urgent motion ni Senator Bong—na naka-detain sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot nito sa PDAF scam—na dalawin ang anak.

Read: Senator Bong Revilla’s motion to visit son Jolo in hospital granted

Ayon sa mga nakasaksi, napaiyak si Jolo nang makita ang ama at agad humingi ng tawad dito.

Sabi raw ni Jolo, "I'm very sorry, Papa."

Sagot naman daw ni Senator Bong, "We have to be strong, anak."

Binigyan ng limang oras si Bong, mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi, upang makapiling si Jolo.

Sa ngayon ay hindi pa masabi kung ligtas na sa kumplikasyon si Jolo pagkatapos sumailalim ng operasyon upang tanggalin ang bala sa kanyang kanang dibdib.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN