Jolo Revilla’s gunshot possibly "self-inflicted," say experts

Forensic pathologist Dr. Fortun says that gun-cleaning is usually an excuse to cover a person’s suicide attempt, particularly because gun owners should be familiar with safety procedures in handling such a weapon.


Hindi maiwasang maging tampulan ng espekulasyon ang aksidenteng pagkakabaril kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, 26, habang ito ay naglilinis ng pag-aari niyang .40 caliber na baril.

Kasabay ito ng rebelasyon ni Lolit Solis, talent manager ni Senator Bong Revilla, na dumanas ng matinding depresyon si Jolo dala ng pagkakaditena ng ama sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center mula noong nakaraang taon.

May ilang eksperto ang nagpahayag na posibleng suicide attempt at hindi lang basta aksidente ang dahilan ng pagkakabaril sa sarili ni Jolo.

SELF-INFLICTED OR NOT? Ayon kay forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, ang paglilinis ng baril ang “madalas na ginagamit na excuse” upang pagtakpan ang tangkang pagpapakamatay ng isang tao.

“I have encountered that a lot na sasabihin hindi siya nagbaril sa sarili, ang nangyari, it was an accidental fire kasi naglilinis lang siya ng baril,” pahayag ni Dr. Fortun sa ulat ng News To Go ng GMA News, Martes ng tanghali, March 3.


Kataka-taka umano na aksidenteng mabaril ng isang gun owner ang sarili, lalo pa’t mahigpit na tagubilin sa gun safety seminars na tiyaking walang laman na bala ang baril kapag ito’y nililinis, upang makaiwas sa aksidente.

Dagdag pa niya, pamilyar umano ang PNP sa standard operating procedure pagdating sa paglilinis ng baril.

“Ilang beses mo dapat bubuksan just to make sure na walang naka-load na bala, puwede mo pa ngang i-test fire sa ere just to make sure na wala…

“Kasi kung marunong ka talagang maglinis ng baril, why would you do it with a loaded gun?”

Sa hiwalay na ulat ng Umagang Kay Ganda, ang grupong Peaceful Responsible Owners of Guns o Pro-Gun—isang organisasyon ng gun owners dito sa bansa—ay naniniwalang posibleng “self-inflicted” ang pagkakabaril kay Jolo.

“Sa tingin ko, based on the report on the trajectory of the bullet at sa tama niya sa chest, feeling ko it was self-inflicted. Medyo [sinadya],” saad ni acting secretary general Atty. Ernesto Tabujara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, imposible aksidenteng mabaril ng isang lehitimong gun owner ang sarili dahil alam nitong hindi dapat nakatutok sa dibdib ang baril kapag nililinisan ito.

“Usually, kapag pinutukan ka, sa paa, dahil nakaturo sa baba o kaya sa hand mo.

“Pero sa chest, parang dapat nakaturo yung baril sa iyo," paliwanag pa ni Tabujara.

Sa kabilang banda, iginiit ni Dr. Fortun na kinakailangang pag-aralan muna nang maigi ang mismong tinamong sugat ni Jolo, upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkakabaril sa bise-gobernador.

Isa umanong determining factor ay ang distansiya ng baril sa parte ng katawan na tinamaan ng bala.

“Maraming answer na mabibigay ang examination ng sugat mismo, lalo na yung entrance wound.

“For one thing, maaari niyang ma-determine kung gaano kalayo, at least mae-estimate mo yung layo ng nguso ng baril sa balat.”

Kung aksidente ang nangyaring pamamaril, kahit papaano ay may distansiya umano sa pagitan ng baril at sugatang bahagi ng katawan ng biktima.

Samantala, kung sakaling self-inflicted ang nangyaring insidente ay mapag-aalaman ito base sa hitsura ng tinamong sugat.

“Kung nakatutok 'yan, it signifies intent or ibig sabihin, talagang sadya, and nakakakita [sa gunshot wound] yung itim-itim, kasama yun ng pagsabog ng pulbura or minsan yung pattern ng nguso ng baril, nandun din sa balat [ng biktima],” paliwanag ni Dr. Fortun.

Sa pinakahuling update sa kalagayan ni Jolo, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa emosyunal na pagkikita nila ng kanyang ama na si Senator Bong Revilla.

Sabi pa umano ni Jolo sa kanyang ama, "I'm sorry, Papa."

Read: Cavite Vice Governor Jolo Revilla apologizes to dad Senator Bong Revilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN