Jodi Sta. Maria looks after ailing boyfriend Jolo Revilla; Lolit Solis confirms Jolo’s depression

Nananatiling tikom ang bibig ni Jodi Sta. Maria sa gitna ng sinapit ng kasintahang si Jolo Revilla, na aksidente diumanong nabaril ang sarili noong Sabado, February 28. Ngunit kinumpirma ng talent manager na si Lolit Solis na binisita at inalagaan ni Jodi ang nobyo kahapon, March 3. Patuloy rin ang pag-post ng aktres sa kanyang Instagram account ng devotional prayers tungkol sa pagiging matatag sa gitna ng matitinding pagsubok sa buhay.


Hindi man nagbibigay ng anumang pahayag si Jodi Sta. Maria hinggil sa kundisyon ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, nananatili ang aktres sa tabi ng nobyo sa oras ng pangangailangan nito.

Ito ay sa kabila ng espekulasyong may pinagdadaanang problema ang magkasintahan bago nangyari ang insidenteng pagkakabaril diumano ni Jolo sa sarili.

Mismong ang talent manager ni Jolo na si Lolit Solis ang nagkumpirma na binantayan ni Jodi ang nobyo sa ospital kahapon, March 3.

Sa katunayan, si Jodi umano ang nag-alerto tungkol sa hindi inaasahang paglobo ng tiyan ni Jolo, na patuloy na nagpapagaling sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City, hanggang sa kasalukuyan.


MEDICAL UPDATE. Ayon sa kampo ni Jolo, aksidenteng nabaril ng actor-politician ang sarili habang naglilinis ng baril noong Sabado, February 28.

Lahad ni Lolit sa kanyang panayam sa Unang Balita kaninang umaga, “Medyo nataranta sila kahapon [March 3] kasi nililinis ni Jodi yung sugat ni Jolo para papalitan ng benda or whatever.

“'Tapos napansin niya malaki ang tiyan [ni Jolo]. Kaya tinawag yung doktor, kasi before that, sumuka ng dugo si Jolo, e.

“Pero sabi ng doktor, normal yun sa mga naooperahan, kung minsan nag-spit out ka ng blood, ‘di ba?

“Pero yung paglaki ng tiyan, sabi ng doctor, very unusual yun, kaya isi-CT scan sana kagabi ng 8.”

Ipinagpaliban ng mga doktor ang dapat sana’y pagsusuri kay Jolo kagabi, at kaninang umaga lang ito sumailalim sa CT scan upang alamin ang dahilan ng paglaki ng tiyan nito.

Pagpapatuloy na kuwento ni Lolit, “Kasi baka may napu-push na organ niya inside.

“'Tapos yung right lung niya dahil nagkakaroon ng tubig, natatakot sila na baka may butas or something.”

Ayon sa talent manager, hindi pa malinaw kung ligtas na sa panganib ang kundisyon ni Jolo dahil under observation pa rin ito ng mga doktor hanggang sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FATHER AND SON REUNION. Ibinahagi rin ni Lolit ang nasaksihan niyang madamdaming pagtatagpo ng mag-amang Jolo at Senator Bong Revilla kahapon.

Read: Jolo Revilla: "I'm very sorry, Papa."

"Nung nakita niya yung tatay niya, umiyak siyang parang bata. 'Papa, sorry. Papa, sorry.'

“Ang ibig niyang sabihin, marami na ngang problema si Bong, parang nakadagdag pa yung nangyari kaya sorry siya nang sorry.

“Sabi naman sa kanya ni Bong, ‘No, it’s okay. Ako din dapat mag-sorry sa ‘yo dahil nangyari siguro ‘to dahil sa napasukan kong problema,' ganun.

“'Tapos iyakan sila nang iyakan,” lahad ng talent manager.


ATTEMPTED SUICIDE SPECULATIONS. Hiningan din ng reaksiyon si Lolit tungkol sa opinyon ng mga eksperto na “self-inflicted” at hindi lang basta aksidente ang nangyaring pagkakabaril sa sarili ni Jolo habang naglilinis ng baril.

Read: Jolo Revilla's gunshot possibly "self-inflicted," say experts

Hindi nagbigay ng direktang pahayag si Lolit ukol dito, ngunit inulit niyang matinding depresyon ang pinagdadaanan ni Jolo dahil sa mga pagsubok na kinahaharap ng kanilang pamilya.

“Basta alam ko, maraming dinadala sa dibdib ‘yang si Jolo.

"Kitang-kita mo talaga na upset siya, parang mahina ang emosyon, depressed talaga.

“Siguro kapag may ganung depresyon ka or something, siguro dapat hindi ka humahawak ng baril.

“Kaya sorry siya nang sorry, nag-uusap silang mag-tatay.

“Iniwan naman namin lahat, silang dalawa lang naiwan sa loob.

“Baka sinabi niya sa tatay niya kung ano talaga'ng nangyari,” sabi ni Lolit.

Samantala, inihayag ng ina ni Jolo na si Cavite Representative Lani Mercado na nilimitahan na ng doktor ang mga taong maaaring dumalaw sa bise-gobernador.

Ito ay upang makaiwas sa kumplikasyon ang malubhang kalagayan ni Jolo.

Sabi ni Lani sa kanyang Facebook post ngayong araw, March 4: "Thank you Lord for another day of life for my son, Jolo.

"To our friends who wish to see my son we were advised by his doctors to limit his visitors due to possible pnuemonia and exposure to other infections since he is not yet well and bleeding is still there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Your prayers mean a lot at this point. Hope you all understand.

"Thank you for all the love and support.VG Jolo sends his love and appreciation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN