Karla Estrada on real score between Daniel and Kathryn: “Kaya na nila sagutin yun.”

Karla Estrada (left) observes that both Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (right) have grown more mature in dealing with personal issues. "Ang selosan kasi dun, silang dalawa ever since, e. Kung meron mang sumingit o kung ano man yung merong makakita. Pero ang maganda sa dalawa, nag-uusap, kaya ako, ayokong makialam," says Karla in an interview earlier today, March 5.


Ayaw nang panghimasukan ni Karla Estrada kung anuman ang estado ng relasyon ng anak niyang si Daniel Padilla, 19, at ni Kathryn Bernardo, 18.

“Ibibigay ko na ‘to sa dalawa. Fourteen years old pa lang, magkaibigan na sila.

“So, kung anuman ang desisyon nila ngayong disinuwebe na sila pareho, malamang kaya na nilang sagutin yun,” pahayag ni Karla.

Nakatakdang magdiwang ng kanyang 19th birthday si Kathryn sa March 26.

Nito lang nakaraang Linggo, March 1, iginiit ni Kathryn na “hindi pa” sila opisyal na magkarelasyon ni Daniel.

Taliwas ito sa balitang kumpirmadong magkasintahan na ang dalawang Kapamilya stars noong nakaraang taon.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Karla pagkatapos ng presscon proper ng Your Face Sounds Familiar ngayong araw, March 5.

Dito ay hiningan ng opinyon si Karla kung may napapansin siyang kakaiba sa turingan ng rumored couple.

May iba kasing naniniwala na itinatago lang nina Daniel at Kathryn ang diumano’y pagiging magkasintahan nila.

Ngunit naniniwala si Karla na hindi pa higit sa pagiging magkaibigan ang relasyon nina Daniel at Kathryn sa ngayon.

“Bilang ina, sa nakikita ko, mas malalim ang pagkakaibigan.

“Dun sa pagkakaibigan [o pagiging more than friends], mas ‘di yun maarok.

“Parang mas mawiwindang yung pagsasama [kapag nahaluan ng lovelife] kaya mas pinalalim yung friendship.

“Actually yun, e, kasi naghilahan pataas, e.”

Bagamat hindi pa maituturing na opisyal na magkarelasyon ang popular teen loveteam ng Kapamilya network, aminado si Karla na kung minsan ay hindi maiwasang magkaroon ng isyung selosan sa pagitan ng mga ito.

“Ang selosan kasi dun, silang dalawa ever since, e.

“Kung meron mang sumingit o kung ano mang yung merong makakita.

“Pero ang maganda sa dalawa, nag-uusap, kaya ako, ayokong makialam,” paliwanag ni Karla.

Ayon pa sa aktres, walang dahilan upang madaliin ng dalawa ang pagkakaroon ng relasyon, lalo pa’t madalas silang magkatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag kasi nahaluan na ng relasyon na malalim, konting kibot…

“So, para sa akin, magkakaroon ng disadvantage.

"So, okay na muna na ganito na muna, maghilaan sila pataas."

Kung anu’t ano pa man, bukas sa pagsasabi si Karla na boto siya kay Kathryn para sa anak niyang si Daniel.

“Kay Kathryn? Oo, napakabait na bata. Walang problema, basta’t mabait sa akin,” nakangiting sabi ni Karla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN