(UPDATED) Sharon Cuneta announces her showbiz comeback; to return as Kapamilya?

Sa pamamagitan ng social media, inihayag ni Sharon Cuneta na mas mapapaaga ang kanyang pagbabalik-showbiz.


“You will be seeing me in just a few days.”

Ito ang inanunsiyo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account ngayong Biyernes, March 6, tungkol sa kanyang napipintong showbiz comeback.

Ang nasabing post ni Sharon ay naka-address sa kanyang hukbo ng mga tagahanga, ang Sharonians.

Sinabi pa ng Megastar na mas mapapaaga ang kanyang pagbabalik.

Maliban dito, wala nang iba pang detalyeng ibinahagi si Sharon bukod sa pagsisimula ng countdown.

Samantala, sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang reliable source na hindi papangalanan, sinabi nitong sa ABS-CBN nga babalik ang Megastar, ang kanyang home network ng 24 taon bago siya lumipat sa TV5 noong 2011.

Sa burol ng namayapang ina ni Sharon na si Elaine Gamboa-Cuneta noong November 2014, ibinahagi ng Megastar sa kanyang eulogy na nakatanggap siya ng magandang balita para sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Hindi man siya nagdetalye, sinabi ni Sharon na: "I am going to a place where I am loved."

Read: Sharon says she will resume work "in a place where I am loved."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN