Sharon Cuneta on her return to ABS-CBN: “I just don’t belong anywhere else.”

Sinabi ni Sharon Cuneta sa ongoing presscon para sa kanya sa ABS-CBN na parang hindi naman siya umalis sa Kapamilya Network. Masaya raw siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taong nakasama niya noon at makakasama ngayon sa kanyang tinaguriang “Mega Comeback.”


Hindi raw maipaliwanag ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang nararamdaman sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Ginanap ang contract signing ni Sharon sa ABS-CBN compound ngayong Lunes ng hapon, March 9.

Ilang linggo na ang nakalipas nang magkaroon ng 'countdown' sa Facebook account si Sharon tungkol sa kanyang tinaguriang “Mega Comeback.”

At ngayong araw nga, balik-Kapamilya na si Sharon matapos ang tatlong taon nitong pamamalagi sa Kapatid Network.

Read: (UPDATED) It's confirmed: Sharon Cuneta returns to ABS-CBN!


“OVERWHELMINGLY WONDERFUL.” Matapos pumirma ng kontrata kasama ang top executives ng Kapamilya network, sumalang kaagad ang Megastar sa kanyang welcome presscon.

Dito ay inihayag ni Sharon kung gaano siya kasaya sa kanyang pagbabalik sa naging home network niya sa loob ng 23 taon, pagkatapos niya itong lisanin noong 2011 para lumipat sa TV5.

Saad niya, “Parang hindi enough young words na yun.

“It’s... I have no words for what is going on inside my heart now.

“It’s overwhelmingly wonderful. It's…

"Alam mo, nung pagpasok ko pa lang, 'Ay, nakauwi na rin. Nagbakasyon lang...'

"'Tapos pag-uwi, walang nagbago sa pagtingin ng mga Kapamilya mo."


“I JUST DON’T BELONG ANYWHERE ELSE.” Ayon pa sa Megastar, kahit lumipat siya ng TV5, hindi naman sila nawalan ng ugnayan ng mga dati niyang boss sa Kapamilya network.

Sabi pa ng 49-year-old actress/singer/TV host, “We never naman lost touched.

"But not once that we ever talked about work kami nina Tita Charo [Santos-Concio], Tita Cory [Vidanes], Inang Olive [Lamasan].

“I’ll just say Tita Charo was one of the first to know na...

"Wala pang may alam na wala na ako sa nilipatan kong station, alam na ni Tita Charo.

“I didn’t ask for anything.

"It was like out of respect because she was like my mother and sister combined."

Dagdag pa ni Sharon, “Parang not even a month… a month or two later, may mga secret meetings na kami nina Tita Charo, Tita Malou [Santos], Inang... all the planning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was so touching, kasi I was very humbled by my experiences in the last three years, so welcomed home with open arms, and not just that e...

“To be welcomed home with open hearts, yung wala… walang nagbago.

"Parang nandito lang ako last week. Walang nagbago sa mga sumalubong sa akin.

“And there is really no place like home.

"This is really where… and I just don’t belong anywhere else."

Unang mapapanood si Sharon sa Your Face Sounds Familiar bilang judge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN