Lance Raymundo says anniversary of his accident will be "National No-Workout Day" for him

Lance Raymundo: "Whenever I remember my accident, I feel blessed to be alive and I get reminded that I’m alive because I still have a mission in life. So, remembering my accident always inspires me to be a better person."


Sa March 19, eksaktong isang taon na mula nang nabagsakan ng 80 lbs. barbell ang mukha ng actor-singer na si Lance Raymundo habang nag-eensayo sa gym.

Nadurog ang ilang parte ng mukha niya at walang nag-akalang magiging normal ulit ang hitsura niya at makakabalik pa siya sa showbiz.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lance sa presscon ng musical play na Senakulo 2015, inusisa namin kung ano ang nararamdaman niya ngayon kapag naaalala ang naturang aksidente na muntik na niyang ikinamatay.

Saad niya, “Whenever I remember my accident, I feel blessed to be alive and I get reminded that I'm alive because I still have a mission in life.

“So, remembering my accident always inspires me to be a better person."

Ano ang balak niyang gawin sa March 19 bilang paggunita sa anibersaryo ng kanyang aksidente?

Sagot ni Lance, “Pagdilat na pagdilat ng mata ko, the very moment I open my eyes, magdadasal ako agad at magpapasalamat sa patuloy na biyaya ni Lord.

“It's gonna be a very beautiful morning and our entire family plans to all celebrate the day by going to mass. Magpapamisa lang naman kami.

“And well, since I’m now 100 percent back to working out, bawal mag-workout sa araw na yun.

“That's gonna be a National No-Workout Day for me from now on.

“Iyon ang araw na bawal mag-gym, ako at ang lahat ng mga kaibigan ko!” natatawang biro pa niya.

JESUS CHRIST. May significance ba sa kanya na noong 2014 ay gaganap dapat siyang Jesus Christ sa isang play, pero hindi natuloy dahil sa aksidente niya?

Ayon kay Lance, “Kasi, hindi ba, parang everything that happens naman, may dahilan iyon, e.

“Whenever you do something like this, hindi naman ito showbiz move, e, ‘di ba?

“I guess, nalaman ni God how much I’m really willing to tell a story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyong aksidente na iyon, it will make the story telling, parang magiging iconic and memorable sa kanila.

“So, I guess, that was my humble sacrifice para mas maging effective ang pagganap ko ngayon.

"So, hindi talaga para sa akin iyong last year, pero kailangang pagdaanan ko iyon para rito.”

Ayon pa kay Lance, kung hindi siya nakapag-ensayo ng passion play noong nakaraang taon, kung saan gaganap dapat siyang Hesus, baka raw nasiraan na siya ng ulo nang nangyari ang freak accident niya sa gym.

“Iyong rehearsal ko noon at pag-infuse sa akin ng mga words ni Christ, nakatulong sa akin iyon. It prepared me for the accident.

“More than two months na akong nagre-rehearsal para sa play nang nangyari ang accident, e.

“Kaya kumbaga, mas malawak na ang pang-unawa ko sa buhay ni Christ.

“Pero kung hindi, kilala mo naman ako, I’m just Lance.

“Siguro nang nakita ko iyong mukha ko, baka masiraan ako ng bait.

“I mean, I’m a simple guy and If I look at the mirror and see how ugly I am, I might go crazy, hindi ba?

“Kaya noong nakita ko ang pangit na sarili ko after the accident, naisip ko lang na buhay pa ako, kaya bakit kailangan akong mag-give up?

“The fact na buhay ako means my life can go on despite of this.”

Dagdag pa niya, “Kaya ngayon, mas madali kong naibibigay ang hinahanap ng role, kasi mas marami akong pinagdaanan na never nating matatapatan ang paghihirap ni Christ.

“No matter what, wala sa kalingkingan.

“Na kahit durugin natin ang ating mga kamay, you’ll never feel His pain.

“But I felt my humble share of His pain.”

DREAM ROLE. Ano ang naramdaman niya nang napunta ulit sa kanya ang role na Jesus Christ?

“Blessing ito para sa akin. It is my dream role na gumanap bilang Jesus Christ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last year, noong una kong nakuha ang role na ito ay ibinuhos ko lahat ng kakayahan ko sa project na ito.

“Pero hindi nga natuloy dahil naaksidente ako around two weeks before playdate.

“I feel so blessed to have survived my near death experience...

“And being able to finally portray Christ on the month of my first anniversay, is the best way to celebrate this gift of new life,” saad ni Lance.

Bukod kay Lance, ang Senakulo 2015 ay tinatampukan din nina Bodjie Pascua, Ced Carreon, Aldrico Padilla, Tracy Quila, Bernardo Bernardo, at iba pa. Ito’y sponsored ng Greenfield Development Corporation ng pharmaceutical tycoon na si Jeffrey Campos.

Magkakaroon ng special presentation ang Senakulo 2015 sa Greenfield sa may Shaw Boulevard sa March 29.

Mapapanood din ito sa San Juan City sa March 28; March 30 sa Pagsanjan, Laguna; March 31 sa Pila, Laguna; at sa April 1 sa Sta. Ana, Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN