Alex Gonzaga not worried about overexposure

Hindi raw natatakot si Alex Gonzaga sa tinatawag na "overexposure" dahil desisyon naman daw ng ABS-CBN management kung saan siya ilalagay na palabas. Masaya naman siya sa mga kasamahang artista dati sa TV5 na nagkakaroon ng oportunidad na magtrabaho sa Kapamilya network.


Hindi raw natatakot si Alex Gonzaga sa salitang overexposure.

Napapansin kasi ng karamihan na all over ABS-CBN ngayon ang actress-TV host.

Katatapos lang niyang gawin ang The Voice of the Philippines Season 2 bilang V-Reporter. Kasali rin siya sa ASAP 20.

Kasalukuyan din niyang pinu-promote ang kanyang libro tungkol sa pag-ibig. May upcoming concert din siya sa Abril.

At sa Lunes, March 16, ay mapapanood na sa primetime ng Kapamilya network ang Inday Bote kung saan siya ang bida.

Depensa ni Alex, “Hindi naman po, kasi yung iba ko pong show, hindi naman po ako babad na laging nakikita.

“Hindi naman ako sobrang ako lang.

"So, I think, ano po yun... it’s always the call of the management.

“And tayo naman, artista nila tayo, employee nila tayo.

"Kung saan nila tayo dadalhin, kung saan yung gusto nila, yun yung gagawin natin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa grand presscon ng Inday Bote na ginanap ngayong Martes ng hapon, March 10, sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN.

LOVELIFE. Isa raw sa kulang na lang sa buhay niya ay ang lovelife.

At 27 years old, nakadalawa o tatlong boyfriend pa lang yata siya, base na rin sa obserbasyon ng PEP simula nang pumasok siya sa showbiz.

Dalawa rito ang non-showbiz at ang na-link sa kanyang si Kean Cipriano noong nasa TV5 pa ang dalawa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito nila inaamin.

Target ba niyang magkaroon ng kulay ang kanyang lovelife ngayong 2015?

Natatawang sagot ni Alex, “Hindi niya [lovelife] naman ako tina-target, e.

“Hindi rin niya ako ma-target-target.

“Alam mo, okay lang yun. I’m just loving life, that’s my lovelife.

“Oo ganun, e, kasi hindi mo naman kailangang pilitin ang isang bagay na hindi para sa ‘yo.”

FROM TV5 TO ABS-CBN. May mga nagsasabi ring si Alex ang nagsimula ng bandwagon ng rigodon ng TV5 artists sa paglipat o pagbalik sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna siyang bumalik siya sa Channel 2 mula sa Kapatid network noong 2013 matapos ang halos limang taong pamamalagi rito.

Last year, sina JC de Vera at Arci Muñoz naman ang nangibang-bakod.

At kasama naman niya sa Inday Bote ang dati ring TV5 talent na si Carla Humphries.

Kahapon lamang, March 9, ang Megastar na si Sharon Cuneta ay pumirmang muli sa ABS-CBN matapos ang halos tatlong taon nitong pamamalagi sa TV5.

Read: (UPDATED) It's confirmed: Sharon Cuneta returns to ABS-CBN!

Ano ang masasabi niya rito?

Saad ni Alex, “Hindi mo naman inisip yun.

"Kasi kung saan yung may opportunity, sa'n yung may trabaho, sa'n binuksan muli yung path mo, doon ka naman pupunta.

“Kung may mga kasama ako doon na nandito na ngayon, masaya tayo kasi, ‘di ba?

“We really run in circles dito sa showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN