Sunshine Cruz turns down Cesar Montano’s offer of settlement

Sunshine Cruz on alleged rift about division of conjugal properties with Cesar Montano: “Kaya kong pagtrabahuhan at bilhin yun. Gusto niya magkapitbahay pa kami.”


Desidido si Sunshine Cruz na ipagpatuloy ang legal battle laban kay Cesar Montano.

Ito ay kaugnay ng ikalawang reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act (VAWC) na inihain ng aktres laban sa kanyang estranged husband.

Ito ay dahil sa insidente kung saan may ginawa diumanong kabastusan si Cesar sa harap ng tatlo nilang anak na babae na menor de edad.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, dumating si Sunshine sa pagdinig sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Martes ng hapon, March 10.

Dito ay inihayag ni Sunshine na tinanggihan niya ang pakikipagkasundo ni Cesar, na handang ibigay sa aktres ang diumano’y hinihingi nitong conjugal property nila sa Antipolo.

Buwelta ni Sunshine sa alegasyon ng aktor laban sa kanya: “It’s very cheap para sabihin nila na isang lupa sa Antipolo.

“Naman! Kaya kong pagtrabahuhan at bilhin yun. Gusto niya magkapitbahay pa kami.”

Noong March 2, sinabi ni Cesar sa isang panayam na hatian ng ari-arian ang dahilan kung bakit sinampahan siya ng panibagong VAWC complaint ng estranged wife.

Nagpaabot din ng mensahe ang aktor sa tatlong anak nila ni Sunshine na hindi siya dapat katakutan ng mga ito at huwag nilang hayaang diktahan sila ng mga kasinungalingan ng kahit sinong tao.

Read: Cesar Montano settles property issue with estranged wife Sunshine Cruz

Ngayong araw, March 10, naghain ang kampo ni Cesar ng counter-affidavit kung saan iginiit ng aktor na pawang kasinungalingan ang mga akusasyon ni Sunshine laban sa kanya.

Malinaw umanong ginagamit ng kanyang estranged wife ang kanilang mga anak upang makuha ang gusto nito.

Narito ang isang bahagi ng pahayag ng legal counsel ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer: “Cesar claims that Sunshine maliciously dictated upon their daughters to write the letter and use the same against him for her own interest.”

Ganunpaman, iginiit ng abugado na handang harapin ng aktor ang mga reklamong inihain ni Sunshine laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ibinigay ng korte kay Sunshine ang kustodiya ng tatlo nilang anak na babae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN