Eric Quizon balks at father figure insinuation after Dolphy’s death; happy about Zsa Zsa Padilla’s lovelife
by Rose Garcia posted on

Eric Quizon says he’s happy for Zsa Zsa Padilla. As to being invited to her wedding, in case? He answers good-naturedly, "Ikaw ang ikakasal, iimbitahan mo ang mga anak ni Dolphy?"


Napagdesisyunan ng mga naiwang pamilya ng Comedy King na si Dolphy na ipa-auction ang ilan sa mga ari-ariang naipundar nito.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga anak ng Comedy King na si Eric Quizon noong March 10, Martes, ay inusisa namin siya tungkol dito.

Saad niya, “Okay naman.

"We turned it into private auction. Hindi na siya live auction.

“Ang maganda kasi sa private, hindi niyo malalaman kung anong presyo.

"Marami na [ang na-bid out]. Yung iba, under negotiation pa, hinihila ko lang para tumaas pa ang presyo.

“That’s why it’s an auction, nagbi-bid privately.”

Nilinaw naman ni Eric na hindi lahat ng naipundar ng kanyang yumaong ama ay ibinebenta nila. Marami pa rin daw silang iniwan.

“Marami... yung ibinenta lang namin sa auction, yun lang ang gusto naming ibenta.”

Yung bahay raw sa Baguio ay sa kanya napunta at wala siyang planong ipa-auction ito.

Pero sabi rin niya, “Meron kaming isa sa Baguio, pinull-out namin [sa auction]. May plano kaming gawin.

“Tapos na ang auction, it’s just under negotiation.

"Meron nang seven properties na nasara na. Yung naiwan na lang."


FATHER FIGURE. Kinumusta rin ng PEP kay Eric ang relasyon niya ngayon sa ibang miyembro ng kanilang pamilya, lalo na sa mga kapatid niya.

Mula nang pumanaw ang kanilang ama, nandoon pa rin ba ang closeness nila at bukas pa rin ba ang komunikasyon nila?

Sagot ng actor-director, “Oo naman, it’s still there.

"Although siyempre, wala na kaming tambayan, bahay ng daddy ko.

"Ang ending na lang, ako na lang palagi ang tinatawagan.”

Natatawang dugtong pa niya, “Sabi ko nga, kapag binibisita ko ang daddy ko sa Heritage, 'Alam mo, Dad, tahimik ang buhay ko noon.'

"Quiet, wala akong iniintindi.

"Pero okey lang, nag-promise ako sa daddy ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwedeng sabihin na parang siya ang naging father figure ngayon ng pamilya Quizon?

Sabi ni Eric, “Ayokong sabihing father figure dahil ayokong maging responsible sa kanila...

"I think, they all should be responsible for themselves.

"Ako lang siguro yung parang taga-guide at taga-provide muna, but not all. Hindi naman lahat.

“Kami namang magkakapatid, nagtutulungan kung sino ang nangangailangan.”


HAPPY FOR ZSA ZSA. Maganda rin daw ang relasyon ni Eric kay Zsa Zsa Padilla, na naging ka-partner ni Mang Dolphy nang mahabang panahon hanggang sa yumao ito.

“Zsa Zsa is a very good friend, oo naman,” sambit niya.

Masaya siya sa bagong lovelife ng Divine Diva sa katauhan ng arkitektong si Conrad Onglao?

“Oo naman... may masasabi ba ako, siyempre wala.

"But I’m happy for her. And she deserves it. She deserves everything.

“If she’s happy, then we’re all gonna be happy for her.

"Who am I to judge her? Sino ba ako para magsabing hindi puwede or ganito?

"Mapapaligaya ko ba si Zsa Zsa?" natawang sabi ni Eric

Kung sakaling magpakasal na ito at imbitahin naman siya, pupunta ba siya?

Natatawang sagot ni Eric, “Bakit hindi siya ang tanungin mo kung iimbitahan kami?

“Kung iimbitahan niya kami, of course.

"Kung hindi rin naman, okey lang, naiintindihan namin yun.

"Kasi, put yourself in her shoes, ikaw ang ikakasal, iimbitahan mo ang mga anak ni Dolphy?

“Pag-iisipan mo ‘yan... kung iimbitahan mo sila, masasaktan ba sila?

"Basta ako, whether I’m invited or not, I’ll be happy for her.

“Like I’ve said, Zsa Zsa and I are very good friends.

"Ano ko ‘yan... kaano ko ‘yan, katelebabad ko ‘yan.

"We talk like siguro three times or four times a week.

"If she needs to consult something or I need to consult something, may ganun.

"Hindi nawawala ang communication."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN