PDAF scam witness links Senators Legarda, Marcos, and Sotto to Napoles’s bogus projects

Ayon sa isang pork-barrel scam witness, pinondohan din umano nina Senators Tito Sotto, Loren Legarda, at Bongbong Marcos ang bogus projects ng itinuturong mastermind ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles gamit ang kanilang pork-barrel funds.


Tatlong senador ang pinangalanan ng isang witness sa P10-billion pork barrel scam na diumano’y nag-allocate din ng kanilang pork barrel funds sa bogus foundations na nakapangalan kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ito ay sina Senators Loren Legarda, Bongbong Marcos, at Vicente “Tito” Sotto III.

Bukod sa tatlong senador, pinangalanan din ng witness na si Merlina Suñas ang iba pang mambabatas mula sa House of Representatives na aniya ay kasangkot sa maling paggamit ng kanilang pork barrel funds.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, si Suñas ay dating empleyado sa JLN Corp. ni Napoles.

Humarap si Suñas sa ginanap na pagdinig para sa petisyon ni Napoles na makapagpiyansa, ngayong Biyernes, March 13, sa Sandiganbayan Third Division.

Sinabi niyang isang taong nagngangalang Maya Santos ang naging ahente ng tatlong senador.

"Pumupunta po si Maya Santos sa opisina ng JLN Corporation para i-submit ang mga SARO [Special Allotment Release Order], endorsement letter, at iba pang dokumento galing sa opisina po nila Senators Legarda, Marcos, at Sotto," lahad ng saksi.

Idinagdag pa ni Suñas na si Napoles pa mismo ang nag-aabot sa kanya ng mga dokumento mula sa tatlong senador upang ma-compile sa tatlong magkakaibang folders.

"Ginawan ko po nga separate folder bawat senator and other lawmakers," sabi ni Suñas.

Samantala, pinangalanan din ni Suñas ang mga kasalukuyang mambabatas mula sa House of Representatives na aniya “had transaction with Napoles.”

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez, at sina Representatives Umali, Ortega, Cagas, Fuentebella, Estrella, Biazon, Olaño, at iba pa.

Noong 2013 ay may ilang senador at kongresista na rin ang isinasangkot sa P10-billion pork-barrel scam na kinabibilangan din nina Senators Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, na parehong naka-detain ngayon sa Camp Crame dahil sa akusasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumutang din ang mga pangalan nina Senator Juan Ponce Enrile at Gringo Honasan.

Read: Bong Revilla, Jinggoy Estrada, three other senators allegedly involved in pork-barrel scam


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN