Robin Padilla had lost faith in Philippine government

Matapos ang kanyang Instagram post noong March 9, at sinabing aalis na lang siya ng Pilipinas, paulit-ulit na ni-repost ni Robin Padilla ang kanyang komento upang sabihing bigo na ang justice system ng Pilipinas.


“It’s a lost cause… The whole system is a Failure…”

Ito ang bahagi ng komento ni Robin Padilla noong Lunes, March 9, tungkol sa kanyang pahayag sa Instagram na gusto na niyang lisanin ang Pilipinas.

Sinabi ito ng aktor matapos payagan ng Quezon City Regional Trial Court ang Maguindanao massacre suspect na si Sajid Islam Ampatuan na makapagpiyansa ng P11.6 million para pansamantalang makalabas ng piitan.

Read: Robin Padilla appalled by QC RTC decision to grant bail to Maguindanao massacre suspect Sajid Islam Ampatuan

Sa isang press conference ng kanyang bagong endorsement noong Huwebes, March 11, iginiit ni Robin na seryoso siya sa plano niyang umalis ng Pilipinas.

Aniya, "Hindi ako magpo-post ng isang bagay na hindi ako seryoso."

Read: Robin Padilla serious about his intention to leave the Philippines

Sa nasabing post niya noong March 9, marami sa followers ng action superstar ang sinuportahan at nakiisa sa kanyang sentimyento.

Paulit-ulit din ang pag-post ni Robin sa kanyang comment, na tila idinidiin ang kanyang karagdagang opinyon at pagkadismaya sa pagpayag na makapagpiyansa si Ampatuan.

Sabi ni Robin, “What is the point of paying high taxes and working hard when the Government, its offices, the Military, and the Police cannot even protect us from deranged powerful men.

“All are so coward to face the reigning evil that men can do in the name of Money, Power and Politics.

“The media who is directly the victim of this violent/inhumane/gore crime is not making any noise about it, No protest!!! No outrage!!! No bigtime news reader or commentarist is sticking his head and balls out…"

Tila nagpapahiwatig si Robin ng pagsuko sa kanyang hangarin na gisingin ang mga mamamayan sa tunay na kalagayan ng lipunan na kanyang isinusulong.

Aktibo si Robin sa social media, na ginagamit niyang medium sa pagsusulong ng kanyang mga adhikain, kagaya ng pagkilala sa karapatan ng masang Pilipino at pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Muslim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are defeated because the only weapon of Good is now kept in the hands of Evil, No good man is willing, all that willed are evil men.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN