Manny Pacquiao’s new Beverly Hills mansion previously owned by P. Diddy—not J.Lo

According to TMZ Sports, the new Beverly Hills mansion recently acquired by Manny Pacquiao was previously owned by Jennifer Lopez’s ex-boyfriend, Sean "P. Diddy" Combs. The property was acquired during the mid-’90s when he was still known as Puff Daddy. He sold the mansion in 2001.


Nabalitang binili na ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang Beverly Hills mansion na pag-aari diumano ni Jennifer Lopez sa halagang $12 million.

Read: Manny Pacquiao buys Beverly Hills mansion previously owned by Jennifer Lopez

Pero kinumpirma ng TMZ Sports na ang naturang mansion ay pag-aari ng ex-boyfriend ni J.Lo na si Sean “P. Diddy” Combs.

Ang halaga ng estate ni P. Diddy sa Beverly Hills ay $12.5 million at ang gusto ni Pacman ay lahat ng nilalaman ng mansion ay kasama sa pagbili niya.

Nabili ni Diddy ang naturang mansion noong mid-‘90s noong gamit pa niya ang pangalan na Puff Daddy. Binenta niya ang mansion noong 2001.

Ayon pa sa report ng TMZ Sports, na-in love daw si Pacman sa 10,000 sq. ft. mansion ni Diddy noong puntahan niya ito.

RUSH PURCHASE. Agad-agad daw nagdesisyon si Pacman na bilhin na ito at ang mga nilalaman nito.

Ang dahilan ng madaliang pagbili ni Pacman ng naturang mansion ay para may matuluyan na ang kanyang pamilya kapag lumipad na ang mga ito patungong Los Angeles bago ang kanyang laban sa May 2 kay Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas, Nevada.

Kaya nga ang naging deal daw ni Pacman sa kanyang rush purchase ay kukunin niya ang mansion na fully furnished—kasama lahat ng furnitures, artworks at appliances.

Bilang bonus ng nagbenta ng mansion ay mag-i-stock daw ito sa wet bar ng iba’t ibang beverages para kapag nagpa-party si Pacman ay may maihahanda siya sa kanyang mga bisita.

May seven bedrooms, 7.5 baths at isang home theatre na nagkakahalaga ng $200,000 ang mansion.

SPORTS COMPLEX. Bukod sa pagbili ng bagong mansion, tumitingin din ng isang malaking property si Pacman sa downtown L.A. para pagtayuan niya ng isang sports complex.

Nakahanap na nga siya ng isang malaking warehouse na dalawang hektarya ang sukat sa East L.A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tamang-tama raw ang laki nito para sa ipatatayo niyang Manny Pacquiao Sports Complex.

Ang halaga ng two-hectare warehouse ay $15 million o higit na P600 million.

Manalo o matalo raw si Pacman sa laban nito kay Mayweather, milyones pa rin ang maiuuwi nitong pera kaya isinasabay na niya ang pagbili ng ilang properties habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang training sa Los Angeles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN