Former couple Amalia Fuentes and Romeo Vasquez ’reunite’ at their daughter Liezl Martinez’s wake

Muling nagkasama ang dating mag-asawa at dating magka-loveteam na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez sa burol ng yumao nilang anak na si Liezl Martinez. Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Liezl ngayong Lunes ng tanghali, March 16.


Ngayong Lunes ng tanghali, March 16, nakatakdang i-cremate ang mga labi ng yumaong si Anna Lissa Sumilang Martinez, o mas kilala bilang si Liezl Martinez, ang unica hija ng dating movie queen na si Amalia Fuentes at ng premyadong aktor na si Romeo Vasquez.

Gaganapin ang cremation sa Arlington Memorial Chapels Crematorium, sa Araneta Avenue, Quezon City. Ito'y strictly para sa pamilya lamang ng yumao.

Si Liezl ay maybahay ng aktor na si Albert Martinez. Tatlo ang kanilang anak: sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa Martinez.

Liezl was 47 years old at the time of her death last Saturday, March 14, due to breast and lung cancer.

She would have turned 48 years old on March 27.

Read: Liezl Martinez dies at 47

Sa unang gabi ng wake sa Heritage Chapels & Crematory, sa Taguig City, noong Sabado, March 14, ay walang public viewing na naganap dahil iyon ay para sa pamilya at malalapit na kaibigan lamang ng mga Muhlach (Amalia's kins) at Martinez (Albert's close relatives and friends).

Linggo ng gabi, March 15, marami nang dumating na taga-media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), subalit nanatiling nakapinid ang casket na kinalalagakan ng mga labi ni Liezl.

Ayon sa isang source ng PEP, sa misang idinaos ng dakong ika-8 ng gabi ay naroon ang halos lahat ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng yumao at immediate family members; kabilang ang mga magulang ni Liezl na sina Amalia at Romeo.

Si Romeo, o mas kilala sa kanyang palayaw na Bobby, ay dumating mula sa Amerika.

Pero nanatiling nakasarado ang casket, habang nagmimisa ang pari, at hindi nasilip ninuman ang labi ng yumao.

Ito ay naging dahilan upang ma-disappoint si Amalia na tutol sa nangyari, pero napag-alaman niyang iyon ay isa sa mga huling habilin ng kanyang anak.

Lumabas ng chapel si Amalia matapos magmisa at nag-stay sa tent na nasa bukana, kung saan naroon ang mga kaibigang taga-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AMALIA'S LAMENTS. Earlier, napabalitang nag-breakdown si Amalia sa mga unang oras ng pagpanaw ng kanyang anak, at agad dinala sa Medical City for confinement.

By evening of the following day, lumabas na ng ospital si Amalia at nagpunta agad sa wake ng anak.

Nadatnan ng PEP ang aktres in her grieving state, at kausap ang ilan niyang matalik na kaibigan sa showbiz; ‘tulad nina Daisy Romualdez, Marita Zobel, Deborah Sun, at Celia Rodriguez.

Sa kanilang pag-uusap ay ibinahagi ni Amalia ang kanyang pighati bilang isang ina na nawalan ng anak.

“Hindi ko pa matanggap na wala na ang anak ko. Because she's a good person, so I know where she is now..."

Pagsang-ayon naman ni Celia, “Kaya nga... your daughter is now in heaven.

“Ang dapat mo namang gawin ngayon, take care of yourself. Sino pa ang mag-aalaga sa ‘yo?

“Ang ibang tao, hayaan mo sila...”

Amalia, who is in her '70s like Celia, was at Liezl's deathbed kaya higit daw naging mahirap ang pagtanggap niya sa sitwasyon.

Lahad pa niya, “Pero nung wala na siya, niyakap ko siya, hinawakan ko ang mga paa niya, ang katawan niya...

“Gusto ko na sa sandaling ‘yon, maramdaman ko siya dahil anak ko siya, sa akin siya lumabas...

“Sa huling sandali niya, gusto ko part pa rin ako, bilang ina niya.”

Sambit naman ni Celia, “Only a mother can do it, dahil galing siya sa ‘yo.”

Amalia tried to contain her emotions. At this point, hindi na siya lumuha matapos niyang mag-breakdown earlier.

Dugtong pa ni Celia, “But believe me, you'll never get over it. You'll just get used to the pain.”

Nauunawaan ni Amalia ang kaibigang aktres, na tulad niya ngayon ay namatayan din ng anak na babae, named Jackie, who was 16 years old nang bawian ng buhay.

Sa palitan ng mga karanasan at siphayo nina Amalia at Celia ay nakikinig at umaayon sina Daisy, Marita, at Deborah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maya-maya pa’y makikitang may mga luha na sa kanilang mga mata.

SOLEMN. PEP expressed its deepest sympathies to the bereaved family of Liezl Martinez; una nga'y kay Amalia na nadatnan namin by the tent in the company of showbiz friends.

Sa loob ng chapel ay naroon sina Albert Martinez at ang mga anak nila ni Liezl na sina Alyanna, Alfonso at Alyssa, na nag-iistima ng mga dumalaw na kaibigan at kamag-anak.

Naroon ang mga ama ni Niño at Aga Muhlach, Liezl's cousins. Sina Arlene Muhlach, Aga's sister; at Yayo Aguila na ex-wife ni William Martinez, Albert's brother.

Yayo has many fond memories of Liezl.

Sabi niya, “Ateng-ate ‘yan sa amin ni Arlene.

“Siya yung, ‘Magsuklay ka nga! Ayusin mo nga yang buhok mo...’

“Mabait siya sa amin kaya mami-miss ko siya nang husto.”

Si Shirley Kuan, longtime friend and professional partner ni Albert, ay nasa tabi ng aktor. Siya rin ang nagpahintulot na makunan ng PEP ang view ng casket na nakasarado at may bandila ng Pilipinas na nakalatag.

Ang bandila ng Pilipinas ay patunay na ang namayapa ay isang lingkod-bayan. Kabilang si Liezl sa aktibong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bago siya bawian ng buhay.

Sa tabi ng casket ay naroon ang iba’t ibang larawan ni Liezl; portrait niya noong teenager pa lamang at mga larawan kasama ang pamilyang binuo nila ni Albert.

Sa bandang kanan ng chapel ay may malaking video screen, na nagpapalabas ng iba't ibang larawan ni Liezl sa napakaraming okasyon, sa loob at labas ng bansa, kasama ang pamilya niya’t mga kaibigan.

Ang ilan sa mga iyon ay naroon sa chapel: Pops Fernandez, Marjorie Barretto, Edu Manzano, Kitchie Benedicto, Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman, Luis Alandy, pati si Amay Bisaya na kaibigan ni Bobby Vasquez at ng ama ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming mga bulaklak at mass cards na inialay sa yumao; mula sa mga kaanak at malalapit na kaibigan, na karamihan ay mga pulitikong may matataas na katungkulan sa pamahalaan, ‘tulad nina Senator Grace Poe, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Senator Jinggoy Estrada, among others; at mga artistang naging malapit kay Liezl at sa kanyang actor-husband.

PRAYED HARD. Sa labas ng chapel, hindi man pormal ang panayam, ay nag-share si Amalia sa PEP at mga kaibigan ng saloobin niya tungkol sa nakasaradong casket.

Saad ng veteran actress, “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang nakasarado...

“Alam ko na gusto ‘yon ng anak ko, pero gusto ko naman, bilang ina niya, masilip ko siya.

“Kanina sa misa, sana nakabukas ‘yon para part din siya ng misa.

“Yung symbol nun, mahalaga yun, e,” wika pa ng na-disappoint na ina ni Liezl.

Anupa't hindi combative si Amalia, batid man niyang si Albert ang may utos bilang pagsunod sa kahilingan daw ng yumaong asawa—walang viewing na mangyayari.

Sa mga pahayag pa ni Amalia, nabanggit niya ang ilang malungkot na tagpo bago bawian ng buhay ang kanyang anak.

“Nahirapan siya nang husto dahil sa mga ipinapasok na tube... nasasaktan siya.

“I know Albert, he means well.

“Siya lahat ang nagde-decide for his wife. ‘I’ll make her live!’” sabi raw ng actor-husband ni Liezl.

On her part, minsan ay nakiusap daw si Amalia sa doktor: “Doc, kung maaari, pahabain niyo ang buhay niya, kahit hanggang March 27 lang... birthday niya kasi yon.

“Pero nung nakikita kong naghihirap na nang husto ang anak ko, I prayed hard, ‘Lord, tapusin mo na po ang paghihirap ng anak ko.... I'm ready to give up lahat ng pain.’

“After two hours, namatay si Liezl.”

Amalia realized, “Ang prayer ng mother, very strong yun!”

LIGHT MOMENTS. Mag-uumaga nang naging masinsinan naman ang pag-uusap ng dating married couple na sina Romeo Vasquez (whose real name is Ricardo Sumilang na kilala rin bilang si Bobby Vasquez) at Amalia Muhlach (a.k.a. Amalia Fuentes, na kilala sa showbiz circles bilang si Nena o Tita Nena).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas sa chapel si Romeo nang magsiuwi na ang karamihang dumalaw sa wake vigil.

He joined his former wife, now in the company of non-showbiz friends.

PEP learned from Romeo, sa maikling pakikipag-usap dito, na sa U.S. nag-spend ng last Christmas (2014) si Liezl, sa tahanan ng kanyang ama.

At regular ang komunikasyon ng dalawa, lalo nitong nagkasakit at nagpapagamot si Liezl.

Sabi ni Amalia sa ex-husband niya, “Akala ko hindi ka na uuwi dahil magkasama naman kayo [ni Liezl] nung Pasko.”

Sabi naman ni Romeo, “Hindi ko siya puwedeng hindi dalawin... anak ko ‘yan, e.”

Sadly for both parents, dumating si Romeo tatlong oras matapos bawian ng buhay ang anak.

Madami ring napag-usapan ang dalawa, na very light ang mood at may punto pang naging tila romantic si Romeo sa kanyang dating asawa at screen loveteam.

Pero si Amalia ay nanatiling straightforward sa pakikipag-usap. Nagkukuwento siya ng kanyang past dahil tapos na ang relasyon nila ni Bobby bilang married couple.

Pero ayon din kay Amalia, “Hindi kami annulled sa church.”

Biro tuloy ng isang kaibigang hindi taga-showbiz: “E, di puwedeng... together again!”

Natawa pareho sina Amalia at Bobby bilang pagsakay na lamang sa mga kausap.

Nang mag-request ang iba na kunan ng picture ang dalawa, just like old times, nag-alangan si Amalia, pero pumayag din.

Sabi ng isang kaibigan nila, "Hindi kaya magalit si Liezl sa ginagawa ninyong ito?"

Sambit naman ng isa pa nilang common friend, "Naku, mas matutuwa ngayon si Liezl na makita kayong magkasama!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN