Toni Gonzaga shrugs off criticisms about her Binibining Pilipinas hosting stint

Toni Goinzaga says she’s not affected by bashers anymore: “Hindi na, siguro kung bago ako sa industriya. Pero medyo matagal-tagal na rin, parang manhid ka na sa mga opinions and bashings ng ibang tao. Wala na, at this point, walang nagpe-penetrate.”


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Toni Gonzaga ang mga batikos na natatanggap niya kaugnay ng kanyang hosting stint sa nakaraang Binibining Pilipinas 2015 Grand Coronation Night.

Read: Toni Gonzaga's hosting stint in Binibining Pilipinas 2015 gets mixed reviews

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Toni sa taping ng birthday special ni Vice Ganda para sa Gandang Gabi Vice sa Music Museum noong Lunes ng gabi, March 16.

Dito ay nagbigay siya ng maikling pahayag tungkol sa isyu.

Sabi ng Kapamilya TV host-actress, “Wala naman.

“Hindi naman na tayo bago sa mga bashing saka opinions of other people, so okay lang.

“We welcome... I’m very open to criticisms, to constructive criticisms, I’m very open.”

Hindi na raw siya apektado sa mga ganitong pambabatikos.

“Hindi na, siguro kung bago ako sa industriya.

“Pero medyo matagal-tagal na rin, parang manhid ka na sa mga opinions and bashings ng ibang tao.

“Wala na, at this point, walang nagpe-penetrate.”

Ngayong Martes ng gabi, March 17, ay nakatakdang humarap sa press si Toni para sa press conference ng pelikula nila ni Coco Martin na You're My Boss.

Dito ay inaasahang uusisain muli ang TV host-actress tungkol sa kanyang paghu-host ng Binibining Pilipinas 2015.

Inaasahan ding magbibigay ng opisyal na pahayag si Toni.

For more of Toni's Binibining Pilipinas 2015 hosting stint: WATCH: Toni Gonzaga's epic "hirit" lines: bagsak o pasado?

WATCH: Toni Gonzaga's epic "hirit" lines: bagsak o pasado? - See more at: http://www.pep.ph/peparazzi/videos/5086/watch-toni-gonzagas-epic-hirit-lines-bagsak-o-pasado#sthash.JnaL4F9V.dpuf


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN