Julia Barretto thankful for her "peaceful" debut party

“Wow, birthday wish come true and prayers answered na sobrang peaceful and happy,” says Julia Barretto about the positive outcome of her debut party last week.


Wish come true na maituturing ang magandang kinalabasan ng debut party ni Julia Barretto noong March 10.

“Wow, birthday wish come true and prayers answered na sobrang peaceful and happy.

“Lahat ng pinag-pray ko for the debut, nangyari.

"Sobrang thankful ako kay Lord,” sabi ni Julia nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang And I Love You So, ngayong Martes ng hapon, March 17.

Sa debut party ni Julia, nakitang muling magkasama ang kanyang ina na si Marjorie Barretto at tiyahin na si Claudine Barretto.

Read: Sisters Claudine and Marjorie Barretto reunite at Julia's debut party

Katulad ng kanyang hiling, masaya si Julia na naging daan ang kanyang ika-18 kaarawan para magkabati ang mga may alitan sa kanilang pamilya.

Subalit tumanggi nang magbigay ng pahayag si Julia tungkol dito.

Sabi ng Kapamilya young actress, “You know what, I can say that everything is peaceful and everything is okay.

“Yung mga ganyang bagay na hindi ako involved, I don't feel like I'm in the right position naman to answer."

Gayunman, masaya raw si Julia na ibahagi ang kaganapang ito sa publiko.

“I'm really glad that I'm sharing this happiness to everyone,” sabi niya.

Sa panayam ng TV Patrol kay Claudine sa debut party ni Julia, sinabi ng aktres tungkol kay Marjorie: “I don't know what to feel. After all, she's my sister, and I love her. Okay na, tapos na 'yan. Let's move on na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN