Robin Padilla on why he hasn’t left the Philippines yet: “May mga bagay pang nagho-hold sa akin ngayong mga oras na ito.”

Robin Padilla says having endorsements that support his advocacies are holding him back from leaving the country.


Nilinaw ni Robin Padilla na hindi pa rin siya tumatalikos sa kanyang sinabi sa Instagram noong nakaraang linggo na lilisanin na niya ang Pilipinas.

Subalit may mga dahilan pa raw siya na nagpapanatili sa kanya sa bansa, kagaya ng endorsements na nagsusulong ng mga adbokasiya niya.

“'Di ko naman binabago 'yon, e.

"Kasi nga, ang totoo niyan, may mga bagay dito na… ito, hindi ko maiwan 'to.

“Kalokohan akong umalis dahil naniniwala ako dito, e,” pagtukoy ni Robin sa Internet.org by Facebook, isang application na nagbibigay ng libreng Internet access sa subscribers ng Smart, Talk ‘N Text, at Sun.

Dugtong pa niya, “Dun sa Ascof [Lagundi cough syrup], naniniwala ako dun sa organic.”

Vocal si Robin at asawang si Mariel Rodriguez sa pagsusulong ng organic lifestyle na pinaniniwalaan nilang daan para sa mas malusog na pangangatawan.

Giit ni Robin, hindi na pera ang usapan dito.

“Pero [kung] bibigyan mo ako ng endorsement na wala akong mapapala kundi pera, kanila na lang, aalis na ako.

“May mga bagay pang nagho-hold sa akin ngayong mga oras na ito.

“Pero kung bibigyan mo ako ng choice, kung wala ito [advocacy endorsements], baka ini-interview mo ako sa Spain.”

March 9 nang mag-post sa Instagram si Robin na lilisanin na niya ang Pilipinas matapos payagan ng Quezon City Regional Trial Court na makapagpiyansa ng P11.6 milyon at pansamantalang makalaya ang Maguindanao Massacre suspect na si Sajid Islam Ampatuan.



Read: Robin Padilla serious about his intention to leave the Philippines

Sundot pang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Robin, ano ang mensahe niya sa kanyang mga tagasuporta na iniisip na aalis na siya ng Pilipinas matapos ang ginawa niyang post sa Instagram?

Tugon ng aktor, “Totoo po 'yon, hindi ko naman po binabago 'yon.

"Wala naman na talaga akong dahilan para 'andito pa [sa Pilipinas].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Eto na lang na mga bagay na ito [endorsements] ang hindi ko puwedeng iwan.

"Kasi para sa akin, parte ito ng ipinaglalaban ko.

“'Pag tiningnan mo naman sa account ko, ang tagal kong nakiusap na magkaroon ng ganito, magkaroon ng libreng Internet sa ating mga kababayan na nasa malalayong lugar.

“Katunayan, makikita mo dun sa ipinadala ko dati sa DepEd [Department of Education], na sinasabi ko, dapat sa Sulu magkaroon ng education nila, Internet na lang.

“Kasi huwag mo nang asahan na yung mga bata, pupunta pa sa eskuwelahan habang nagbabarilan sa gitna nila.

“Bigyan na lang sila ng laptop sa barangay nila, dun na lang mag-aral.

“'Eto na ang paraan, unti-unti nang nari-realize ang mga pangarap natin."

Saad pa niya, “Ganun din naman yung Ascof dahil organic ito. Paano ko naman pababayaan 'yon, advocacy ko 'yon?

“Hindi ako puwedeng kumawala dun.

“Sabi ko nga kanina, kung wala ito, wala na ako dito, walang dahilan [para manatili pa ako sa Pilipinas].”

Pagpapatuloy pa ni Robin, kung kailan handa na siyang umalis ng bansa, 'tsaka naman dumating ang mga sagot sa kanyang mga idinadasal.

“Kasi nagkakaroon ng kasagutan yung mga dasal namin.

“Meron naman kaming dadating din na may kinalaman sa pagpapagawa ng housing, paano mo iiwan 'yon?

“Siguro 'pag dumating yung punto na wala nang ganun,” at saka na raw siya aalis ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN