Bianca Umali still prefers Miguel Tanfelix as loveteam partner

Bianca Umali: “Miguel and I are good with each other. Mas lumalalim yung pakikitungo namin sa isa’t isa kasi we’ve been working na with each other for a long time. Mas lalo rin naming nakikilala ang isa’t isa ngayon.”


Magkasamang nanood ng Hollywood movie na Cinderella sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix noong Linggo, March 15, bago sila nagpunta sa kanilang mall show sa Robinsons Place Malolos, sa Bulacan.

Hindi na nakapagtatakang panoorin ng dalawa ang Cinderella dahil ang mga pangalan nila sa kanilang primetime series na Once Upon A Kiss, bilang sina Ella at Prince, ay hango sa mga pangalan ng karakter sa fairy tale na Cinderella.

Katulad ni Miguel, “best friends” din ang isinagot ni Bianca nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text messaging, kung ano na ang turingan nila ngayon ng ka-loveteam.

Pero aminado si Bianca na habang tumatagal, dahil halos lahat ng proyekto nila ni Miguel ay sila ang magkasama, mas lalo raw silang nagiging malapit sa isa’t isa.

“Miguel and I are good with each other.

“Mas lumalalim yung pakikitungo namin sa isa’t isa kasi we’ve been working na with each other for a long time.

“Mas lalo rin naming nakikilala ang isa’t isa ngayon.”

KILIG MOMENTS. Noong nakaraang Valentine’s Day, pinadalhan siya ng bulaklak ni Miguel, gayundin ang lola at pinsan niyang babae.

Ano ang naramdaman niya rito?

Sagot ni Bianca, “Siyempre kinilig ako kasi unexpected yung mga surprises niya. And he never fails to make me smile.”

Nung birthday niya naman noong March 2 ay sinorpresa siya ni Miguel ng isang swimming party at binigyan pa ng relo.

Read: Miguel Tanfelix surprises loveteam partner Bianca Umali with a watch for her birthday

Sabi ng 15-year-old Kapuso actress tungkol dito, “My birthday was well-spent.

“He also gave me a birthday, a watch.

“So, for me po, he knows me so well na talaga.”

LOVETEAM. Simula nang mabigyan sila ng pagkakataon ni Miguel na maging bida sa mga teleserye ng GMA, silang dalawa na ang naging magka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung sakaling susunod nilang shows ay ipareha na sila sa iba. Okey lang ba sa kanya?

Tugon ni Bianca, “Ako naman po, I am very open to partner up with other people.

“Pero if possible po, gusto ko po sanang si Miguel ulit ang ka-loveteam ko.

“Kasi po kaming dalawa, mas kumportable na po kami sa isa’t isa, mas marami na po kaming pinagsamahan.”

Bilang si Ella sa Once Upon A Kiss, masaya raw si Bianca na marami na ang nakakakilala sa kanya sa kanyang karakter.

Kahit daw sa mga mall shows nila, kagaya sa Robinsons Place Malolos, hindi raw nila inakala na dudumugin sila ng tao.

Ayon sa Kapuso network, mahigit sa 15,000 katao ang pumunta at nanood sa dalawa.

Kaya para kina Bianca at Miguel ay ito ang pinaka-memorable na mall show na napuntahan nila.

Sabi ni Bianca, “People do recognize me as Ella.

“Masaya po ako sa show namin, super-saya lang po and very playful and good vibes po kaming lahat sa set.”

Kung mayroon silang pagkakapareho ng karakter niya bilang si Ella, ano ito?

“Ang pagiging street smart. That’s a trait I see na same po sa kung sino rin ako off-cam,” sagot ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN