Willie Revillame returns to GMA; signs airtime agreement for WowoWin

Bago magtanghalian ngayong Biyernes, March 20, pumirma si Willie Revillame ng airtime management contract sa GMA Network para sa gagawin nitong game show na WowoWin. Sa April 26 nakatakdang umere ang show na ito na ihu-host ni Willie.

Present sa contract signing sina GMA Network’s Atty. Felipe L. Gozon; President and COO Gilberto R. Duavit, Jr.; Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong; at sina WBR Entertainment’s Atty. A


Pumirma na si Willie Revillame ng airtime agreement sa GMA Network bago mag-alas onse ngayong Biyernes ng umaga, March 20.

Ang contract signing, na ginanap sa Boardroom ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City, ay dinaluhan ng top executives ng Kapuso network, sa pangunguna nina Atty. Gozon; President and COO Gilberto R. Duavit, Jr.; at Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong.

Ayon sa statement na ipinadala ng GMA Network sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, WowoWin ang magiging title ng variety show ni Willy na eere tuwing Linggo simula sa April 26.

Pahayag ni Atty. Gozon, "We are pleased to have Willie Revillame's program in the Network.

"Willie has a very large following.

"Through our partnership with WBR Entertainment, GMA Network will be a part of the long awaited return of Willie Revillame on television."

Welcome back to GMA Network, Willie Revillame!

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) onMar 19, 2015 at 7:27pm PDT

Spotted: Willie Revillame at GMA Network Center.

A video posted by gmanetwork (@gmanetwork) onMar 19, 2015 at 7:28pm PDT

Ang pagpirma ni Willie ng airtime agreement sa GMA ang magsisilbing hudyat sa muling pagbabalik-telebisyon ng 54-year-old TV host-comedian, matapos ang lagpas isang taong pamamahinga mula nang magpaalam sa ere ang Wowowillie sa TV5 noong October 2013.

Matapos ang contract signing, sinabi ni Willie sa panayam ng GMA News, “Dito naman talaga ako nagsimula. This is where I really belong.

"But the excitement is not for me, pero doon sa mga tao.

"Especially yung mga kababayan natin na na-miss ko.

"Araw-araw ko 'to ginagawa for nine years, and nagbabalik ako ulit para sa kanila."

Inamin din ni Willie na naging matagal ang usapan at diskusyon tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA.

Kabilang daw sa isinaalang-alang ay ang mga naging problema niya sa ilang Kapuso personalities noon.

Saad niya, “Matagal ang naging pag-uusap dahil inayos mabuti.

"Inaral naming mabuti at saka pinakiramdaman ko kung talagang magiging welcome ako dito.

"Tinanong nila yung mga taong nagkaroon ako ng problema dati. Naging open ako sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP, isang oras at kalahati ang running time ng bagong game show kung saan mag-isa raw munang ihu-host ni Willie.

Ang staff ni Willie sa mga show niya noon sa TV5 ang siya pa ring staff niya sa kanyang bagong palabas.

Nalaman din ng PEP na si Randy Santiago, matalik na kaibigan ni Willie, ang magdidirek ng WowoWin.

Ayon din sa usap-usapan, 3:30 to 5 P.M. daw every Sunday ang timeslot ng show, pagkatapos ng Sunday All Stars.

Ayaw raw kasing tapatan ni Willie ang musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP20, na pinamamahalan ni Direk Johnny Manahan, isang taong malapit na malapit sa kanya.

Naghahanap pa raw ng studio na marerenatahan para sa weekly game show ni Willie na ang target airing ay sa Mayo.


FROM GMA TO GMA. Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa pagbabalik ni Willie sa GMA noong November 2014, nang isiwalat ng Eat Bulaga! host na si Joey de Leon na namamagitan siya sa negosasyon para sa game show ng TV host sa Kapuso network.

Read: Joey de Leon reveals negotiating for Willie Revillame's game show to be aired on GMA

Taong 1986 nagsimula si Willie sa showbiz bilang isa sa 'Hawi Boys' ni Randy Santiago sa defunct noontime show na Lunch Date.

Nakagawa rin siya ng ilang programa sa IBC-13, RPN-9, at maging sa PTV4.

Taong 1998 nang lumipat si Willie sa ABS-CBN via the sitcom Richard Loves Lucy.

Nagsimula siyang maging host sa telebisyon nang binuksan ang Magandang Tanghali Bayan (MTB) noon ding taong iyon.

Nakasama niya rito bilang co-hosts sina John Estrada at Randy Santiago.

Naging solo host naman siya ng Wowowee noong 2005, kung saan lubos siyang nakilala bilang game show master.

Nagkaroon ng hindi pagkaintindihan sa pagitan ni Willie at ng ABS-CBN management kaya lumipat siya sa TV5 noong 2010.

Una niyang naging show sa Kapatid station ang Willing-Willie (2010), sinundan ng Wil Time Bigtime (2011), at ang Wowowillie (2013).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN