PEP EXCLUSIVE. Melissa Mendez tells her side of the story in offloading incident; denies slapping flight attendants

Ipinaliwanag ng aktres na si Melissa Mendez ang kanyang panig kaugnay ng pagkaka-offload niya sa biyahe ng Cebu Pacific papuntang Pagadian City kaninang umaga. Labis daw siyang nasaktan sa bantang hahampasin ang kanyang mukha ng bag at mga salitang "mabaho at bad breath" na binitawan ng kaibigan ni Andrew Wolff.


Inamin ni Melissa Mendez ang pananampal niya sa isang lalaki sa loob ng eroplano.

Ngunit pinabulaanan ng aktres na nanampal siya ng flight attendants at lasing siya nang mangyari ang insidente.

Ito ay kaugnay ng sapilitang pagpapababa kay Melissa ng kapitan ng Cebu Pacific plane kaninang umaga, March 20, matapos niyang manakit diumano ng kapwa pasahero at dalawang flight attendants.

Kumalat sa Internet ang nasabing insidente pagkatapos i-upload ng actor-athlete na si Andrew Wolff—kaibigan ng sinampal na pasahero ni Melissa—ang videos na kuha niya sa loob ng eroplano.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after 'punching' co-passenger and flight attendants

MELISSA'S SIDE OF THE STORY. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa, sa pamamagitan ng telepono, ngayong Biyernes ng hapon, March 20, ikinuwento nito ang kanyang panig at bersiyon sa mga kaganapan sa biyahe nila papuntang Pagadian City sakay ng Cebu Pacific plane.

Lahad ng aktres, “Kasi pagsakay namin sa eroplano, ang upuan ko kasi is 2B, ang kasamahan kong si Malu Barry is 1C.

"Kasama ko kasi sina Malu, papunta kaming Lanao del Sur.

“Habang wala pang nakaupo dun sa harapan, number 1A, umupo muna ako dun.

"'Tapos nung dumating na yung nakaupo dun, na nakita ko si Andrew Wolff 'tsaka yung kasama niyang lalaki na hindi ko kilala, sabi ko, ‘Puwede makisuyo, favor lang. Dito muna ako para lang pag-take off makuhanan ko ng picture yung clouds.’

“Sabi niya [kasama ni Andrew], ‘Hindi puwede, binayaran namin ‘yang upuan na ‘yan. Binayaran namin ‘yang upuan na ‘yan.’

“’Yeah I know,’ sabi ko. ‘Binayaran ko rin naman yung upuan ko, pero sandali lang sana para lang ma-capture ko lang yung clouds 'pag take-off.’

“’Ay, hindi nga, e, hindi nga, e. ‘Pag hindi ka umalis diyan, hahampasin ko ‘yang mukha mo ng bag ko!’"

Ayon pa kay Melissa, “May lalaki bang magsasalita nang ganun sa babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I doubt na may lalaking magsasalita sa babae nang ganun.

"Na wala namang ginagawang masama yung babae, makikisuyo lang naman nang maayos, na bigla mong sasabihan na 'kapag hindi ka umalis,' hahampasin ng bag ang mukha."

MELISSA'S OUTBURST. Dito na raw nagalit si Melissa.

Saad niya, “Siyempre nag-react ako, nagalit ako.

"Sabi ko, ‘Parang nakikiusap lang ako sa 'yo? Bigla mo akong pagsasalitaan ng ganyan?

"'Anong klaseng lalaki ka? Bakit mo ako pagsasalitaan ng ganyan?’

“Mataas na yung boses ko. Mataas din ang boses niya."

Patuloy ni Melissa, "Ito namang si Andrew, walang ginagawa.

“Sabi ko, ‘Andrew, pagsabihan mo ‘tong kaibigan mo.’

"’I don’t know you,’" sabi naman daw sa kanya ni Andrew.

"Sabi ko, “You don’t know me? You’re the friend of my brother, you’re the friend of my daughter, and you don’t know me?

“We’ve been together in Boracay many times, you don’t know me?’ ang sabi ko kay Andrew.

“'Tapos may altercation na yun, kasi sinasabihan nga niya ako na hahampasin nga niya ako sa mukha ng bag niya."

Pagpapatuloy ng 50-year-old actress, “Bilang babae na may edad na, bakit itong lalaking ito, nagsasalita sa akin...

"Bilang babae, masakit sa akin yun, very offensive.

"So, inawat na kami. So, umupo na ako sa upuan ko, naawat na kami.

“Yung lalaki, salita pa siya nang salita ng kung anu-ano.

"Parang tini-threaten pa niya ako na pagdating sa Pagadian, pag-land...”

UNRULY PASSENGER. Noong nakalipad na ang eroplano, gusto raw sanang maayos ni Melissa ang gusot sa pagitan nila ng kaibigan ni Andrew kaya kinausap niya ang flight attendant.

“Nung, pag-take off na, sinabi ko sa stewardess na, 'Miss, puwede kakausapin ko lang siya nang mahinahon para magkaayos na, para smooth-sailing na tayo pagdating sa Pagadian, okay na, para wala nang gulo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang ginawa ko, tumayo ako at lumapit ako sa kanya.

"Sabi ko sa kanya, ‘Bakit ka naman nagsasabi na hahampasin mo ang mukha ko ng bag mo, samantalang ang ayos naman ng pakiusap ko, humingi lang naman ako ng favor?’ sabi ko sa kanya.

“Sabi sa akin, ‘Lumayo ka sa akin, ang baho-baho ng hininga mo! Bad breath ka! Bad breath ka, mag-toothbrush ka muna! Baho mo, baho mo!’ gumanun siya.

“E, siyempre may pinanggalingan na yung galit ko.

"So, yung galit ko, 'tapos sinabihan pa niya ako ng bad breath ko, 'day, ang baho ko daw!

"'Tapos sinabi pa ni Andrew na nakainom daw ako, e, hindi naman ako umiinom. I don’t drink at all."

Diin ni Melissa, "Ang iniinom ko nung umaga na yun, yung ipinapagawa kong juice sa PA [personal assistant] na sugar bits, papaya, apple, 'tsaka pineapple.

"Baka yun yung naamoy nila.

“Pero hindi ako umiinom. Matagal na matagal na akong hindi umiinom.

"So, walang katotohanan na lasing ako. Hindi ako lasing."

Nagdilim na raw ang paningin niya sa "mabaho" at "bad breath" na mga salitang ibinato sa kanya.

Dito ay inamin ni Melissa na nasampal niya ang kasamahan ni Andrew ng isang beses.

“Nasampal ko siya, inaamin ko yun.

"Right after that, inawat na ako ng mga stewardess, so umupo na ako.

“Maya-maya, nagsalita na yung piloto na babalik daw ng Manila, kasi may unruly passenger.

"Nagulat ako, bakit isang passenger lang, dapat dalawa kami.

"Kasi yung nangyari is altercation between two people, e.

"So, bakit hindi siya pinababa?"

Tinanong daw siya ng airport security kung ano ang reklamo niya at ang sagot lang daw niya ay kung bakit hindi rin pinababa ang kaibigan ni Andrew.

“SINUNGALING.” Tinanong ng PEP si Melissa kung totoong nanampal din siya ng flight attendants, gaya ng kuwento ni Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi niya, “Ay, wala... wala. Sinungaling!

"Kahit magtanong pa kayo sa lahat ng pasahero dun.

"Wala akong sinaktan, wala akong inapakan, wala akong sinampal na flight attendants.

"Hindi ko puwedeng gawin yun kasi wala naman silang ginagawa sa akin, e."

Sinabi rin ni Andrew sa kanyang post na 20 ground staff daw ng airport ang kinailangan para mapalabas si Melissa ng eroplano.

Pero sabi ng aktres, dalawa lang ang nag-escort sa kanya palabas ng eroplano.

Dagdag pa niya, “Tao lang naman ako, hindi naman ako santo, marunong din naman akong magalit.

"Siyempre, kung ikaw, halimbawa lalaki ka, sasabihan kang hahampasin ng bag sa mukha, ano'ng mararamdaman niya?

"E, ako, babae pa ako, matanda pa. Yung respeto lang ba ang inaantay ko."

May mensahe ba siyang gustong iparating kay Andrew, na siyang nag-post ng videos?

Saad ni Melissa, “Ang masasabi ko lang, sana bago siya mag-post ng video, bago siya nagsalita ng kung anu-ano, inalam niya muna lahat.

"'Tsaka sana nag-mediate na lang siya, hindi niya pinahaba.

"Kasi kaibigan siya ng anak ko, ng kapatid ko, colleague ko siya.

"Sana sinabihan na lang niya yung kaibigan niya ng, ‘Huwag kang ganyan.’

"Kasi meron ka namang nanay, meron ka namang kapatid na babae.

“Kasi si Andrew, para ko nang anak na rin yun.”

Humingi naman ng pasensiya si Melissa sa mga naabala at naperhuwisyong pasahero at flight crew.

“Humihingi ako sa kanila ng pasensiya, ng patawad kung naabala ko sila, hindi ko sinasadya yun.

“Nasaktan lang ako, isa lang ako sa pasaherong nasaktan.

"Hindi ako nagpapaka-star, dahil hindi ko naman pini-feel na artista ako.

"At wala akong natapakan na tao mula noon hanggang ngayon. Wala.

“Narating ko kung anumang meron ako ngayon na wala akong ginamit na tao. Wala akong tinatapakan.

"At humingi ako sa kanila ng pasensiya at patawad sa pangyayari.

"At alam ko naman siguro na may mga nakakita naman kung ano talaga yung nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP sa panig ni Andrew Wolff at sa kaibigan nito kaugnay ng mga naging pahayag ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN