Pauleen Luna on Vic Sotto’s kids: "I love their father."

Nang tanungin si Pauleen Luna kung ano ang mga nagustuhan niya kay Vic Sotto, mabilis na sagot ng dalaga: “A lot of reasons, too many to mention.”


Diretso ang mga naging sagot ni Pauleen Luna nang usisain tungkol sa kanyang relasyon sa boyfriend na si Vic Sotto at sa mga anak nito, pati na rin sa mga kumukuwestiyon sa pagmamahalan nila ng TV host/comedian.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at tatlo pang reporters si Pauleen sa bloggers conference ng upcoming 2015 Eat Bulaga Lenten Presentation, kung saan anim na episodes ang ipalalabas ngayong Semana Santa, mula Holy Monday hanggang Holy Wednesday.

Ginanap ang special preview ng dalawang episodes ng Eat Bulaga Lenten Presentation sa Cerchio Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, Lunes ng gabi, March 23.


ON BEING CALLED A “GOLD DIGGER.” Apektado pa ba siya sa mga bashers niya online?

Sagot ng actress-TV host, “I would be lying if I say not all.

"Of course, may mangilan-ngilan na sobrang below the belt.

"But most of it naman, hindi. Very rare yung times na naaapektuhan ako.

“It's more of naaapektuhan ako [para] kay Vic, not for myself.”

Dugtong pa ni Pauleen, “Kasi parang napaka-unfair naman, sasabihin nila ang habol ko lang kay Vic, pera.

“Yun lang ba yung rason para magustuhan mo siya?

“Hindi na nga ako naaapektuhan sa tinatawag akong gold digger, e.

“I'm more affected for him. Yun lang ba yung rason para magustuhan siya?

“Hindi kasi nila kilala, so it's very easy for them to judge.”

Ano nga ba ang mga nagustuhan niya kay Vic?

Mabilis na tugon ng aktres, “A lot of reasons, too many to mention.

“Swak kasi kami, e. Sobrang gel yung [personalities namin].

“For one, wala masyadong effort na magkasundo kami with a lot of things. That's very important.

“I believe hindi kami madalas mag-away o 'pag nag-away, mabilis kaming magbati.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinasabing hindi raw marrying type si Vic?

“We'll see,” sambit ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RELATIONSHIP WITH VIC'S KIDS. Sa artikulo na lumabas sa PEP nitong nakaraang linggo, sinabi ni Danica Sotto-Pingris, panganay na anak ni Vic, na hindi nagkukulang sa effort si Pauleen upang mapalapit sa mga mahal sa buhay ng ama.

Gayunpaman, inamin ni Danica na hindi pa rin maalis ang kanyang pagkabahala sa malaking age gap ng ama at ni Pauleen.

Si Vic ay 60 years old habang si Pauleen ay 26 years old pa lamang.

Read: Danica Sotto-Pingris reveals her fear about dad Vic Sotto's relationship with Pauleen Luna

Pahayag ni Pauleen tungkol dito, “Oo naman... I mean, fact 'yon.

“It's not just a feeling, it's a fact na malayo talaga yung gap namin.”

Dahil dito, hindi raw niya masisisi ang mga anak ni Vic kung ikinakabahala nila ito.

“And I don't think it's something na dapat kong ikatampo.

"Just like what I said, it's a fact and I will never force myself into somebody getting comfortable with that fact.

“Okay na ako, yung okay naman ako, wala kaming problema,” aniya patungkol kay Danica.

Diin pa ni Pauleen, “I love her children, I love them. So, okay na yun sa akin.

“Hindi naman ako humihingi ng sobrang dami.

"As a matter of fact, wala naman akong hinihingi.

“I am very happy na okay yung relationship namin.

"I am more than happy, tagal kong ipinagdasal 'yon."

Ayon pa kay Pauleen, hindi pinilit na maging malapit ang relasyon nila ni Danica kundi naging maayos na lang ang lahat.

Paano siya nagtagumpay na maging malapit kay Danica?

“Slowly. Kasi ayoko namang ipilit ang sarili ko kahit kanino.”

Maayos daw ang pakikitungo nila ni Danica sa isa't isa.

Saad ni Pauleen, “Minsan, naaalala ko yung children niya, I buy little stuff.

“I don't think kailangan kong sumipsip. Because I don't think sila yung tipo ng taong nadadala sa gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ano lang tayo, sa tamang pag-uusap, tamang pagtrato sa isa't isa.”

Sundot ng PEP: Ano naman ang mensaheng nais niyang iparating sa mga anak ni Vic?

“That I love their father and through the years, sana nakikita na nila ang totoo kong intensiyon.

“Hindi ko naman pinipilit na makita nila, but sana nakikita nila.”

Samantala, bukod sa Eat Bulaga!, makakasama rin si Pauleen sa upcoming primetime teleserye ng GMA Network na The Rich Man's Daughter, kung saan gaganap siya bilang sister-in-law ng bidang si Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN