Robin Padilla appeals to Rey Pamaran: Forgive Melissa Mendez

Ayon kay Robin Padilla, hindi siya nangingialam sa alitan nina Melissa Mendez at Rey Pamaran, pero nagpapakumbaba na raw ang aktres at ayaw nang lumaban kaya sana raw ay mapatawad na ito ni Rey.


Nakiusap si Robin Padilla sa kampo ni Rey Pamaran na magkapatawaran na sa nangyaring engkuwentro nila ng aktres na si Melissa Mendez, habang lulan ng Cebu Pacific plane papuntang Pagadian City, noong Biyernes, March 20.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after 'punching' co-passenger and flight attendants

Humantong na kasi ito sa paghahain ni Rey ng reklamong slander laban kay Melissa, na may kaakibat na damages na tatlong milyong piso.

Read: Rey Pamaran files P3-M slander by deed complaint vs Melissa Mendez

Ayaw nang magkomento ni Melissa tungkol sa reklamong inihain laban sa kanya ni Rey, base na rin sa text na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal),

“Since nasa court na ‘yan, in respect of the court, I opt not to comment. Thank You,” sabi ni Melissa.

ROBIN’S APPEAL. Sa pamamagitan ng Facebook ay may panawagan si Robin sa kampo ni Rey na patawarin na si Melissa.

Hindi raw siya nakikialam sa away nina Melissa at Rey, ngunit nakikiusap siya sa ngalan ng respeto at pakikipagkapwa-tao dahil nagpakumbaba na raw ang aktres.

Pahayag ni Robin, “Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if the both of you will set an example of practicing the code of chivalry.

“Matanda na rin po si Melissa, 50 yrs old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya.

“Hindi po ako nakikialam, bagkus ay nakikiusap.

"Naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humingi na ng paumanhin at patawad.

“Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa.

"Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pagpapatawad po ninyo kay Melissa Mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan.”

Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if the both of you will set an example of practicing the code of chivalry. Matanda na rin po si melissa, 50 yrs old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya. Hindi po ako nakikialam bagkus ay nakikiusap, naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humingi na ng paumanhin at patawad.Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa.Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki. Ang pagpapatawad po ninyo kay melissa mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan.

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onMar 26, 2015 at 4:19pm PDT

Matatandaang humingi na ng public apology si Melissa, sa pamamagitan ng Instagram, ngunit hindi ito tinanggap ni Rey at itinuloy pa rin ang paghahain ng reklamo laban sa aktres.

Read: Rey Pamaran rejects Melissa Mendez's public apology on Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN