Jef Gaitan to ex-boyfriend Alex Castro’s statement: "Half-truth, half-lie."

Jef Gaitain to ex-boyfriend Alex Castro: “I am happy now and I am just glad it was over before you could do worse.”


“Half truth, half lie.”

Ito ang reaksiyon ni Jef Gaitan sa mga naging pahayag ng dating boyfriend na si Alex Castro sa panayam nito sa online entertainment talk show ni John Lapus na Korek Ka John! kamakailan.

Ang panayam ni Alex ay nag-ugat sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong March 19, Huwebes, kung saan isiniwalat ni Jef na nakita niya si Alex sa kuwarto ng condomium unit ng co-star niya sa Banana Nite na si Sunshine Garcia.

Read: Jef Gaitan exposes "betrayal" of rumored boyfriend Alex Castro and friend Sunshine Garcia

Sa online talk show naman ni John nitong March 25, sinabi ni Alex na January pa lang ay break na sila ni Jef at girlfriend na niya ngayon si Sunshine, na dating miyembro ng SexBomb Dancers.

Kinumpirma rin ni Alex na mayroon na siyang walong-taong gulang na anak.


“I'M REALLY HAPPY NOW.” Sa kanyang Twitter account nitong March 26, Huwebes, sinabi ni Jef na masayang-masaya na siya ngayon kaya hindi na niya papatulan ang mga sinabi ni Alex.

Ginawa ni Jef ang post pagkatapos ng panayam at rebelasyon ni Alex.

Nito ring March 26, nag-post si Jef sa kanyang Facebook account kung saan 'di man niya pinangalanan si Alex, malinaw na para sa dating boyfriend ang kanyang mensahe.

Bahagi ng post ni Jef: “I'm really happy where I am now.

“Whatever it is that you say, even when you choose to say only half of the truth, go ahead.

"I am happy now and I am just glad it was over before you could do worse."

Tahasan pang pahayag ni Jef, “Still I will say, I will forgive you.

“After all, it will be just your words against mine. It will never end.

“So go on and be happy.”

Bago magtapos ang post ni Jef ay mayroon pa siyang hiniling kay Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Just a small favor, please stop calling my family and friends. We are all good.”

March 25, Miyerkules, nag-post naman si Jef sa kanyang Instagram account ng tungkol sa pagpapatawad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN