Heart Evangelista now on speaking terms with her parents

Heart Evangelista on why she will not join politics: "If you really wanna help… I mean, if you have the means as artista, you can help. You don’t really have to be in power, kasi you’re already empowered by all the attention, and leading an example, ‘di ba? So, technically, no need to be in power. What for? Just help and help."


Sa kabila ng hindi pagdalo ng mga magulang ni Heart Evangelista na sina Rey at Cecile Ongpauco sa kasal ng aktres at ni Senator Chiz Escudero noong February 15, sa Belesin Island, masaya ang Kapuso star na mas maayos na ang relasyon nila ngayon.

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day

Lahad ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, “I was with my dad two times this week.

“Sinamahan ko siya sa ospital, nagpa-check-up siya, and we're very good.

“My mom is back is back in the States, so hindi pa kami nagkakausap personally. Pero sa phone, magkausap na kami.

“Okey naman, okey naman… pero siyempre hindi puwedeng biglain na parang... ‘di ba?

“What's important is that nag-uusap na kami.

"And I'm not angry, I'm not nagtatampo.

“Okey na ako, so madali na lang siguro 'yan.”

Baka naman naghihintay lang ng apo ang mga magulang ni Heart, lalo na ang kanyang ina, para tuluyan nang lumambot ang puso nito sa kanila ni Chiz?

Nakangiting reaksiyon ng aktres, “A, 'di ko alam, baka mas lalong mabigla.”

Plano raw nina Heart at Senator Chiz na magkaroon ng sarili nilang anak sa 2016 pa—tumakbo man o hindi ang senador sa national elections next year.

HEART TO JOIN POLITICS? Itinanggi naman ni Heart ang balitang may balak siyang tumakbo for a local position sa lalawigan ng Sorsogon, kung saan ipinanganak at lumaki ang kanyang mister.

Sabi niya, "Well, I have nothing against sa artistas running for politics, but I don't see the point to run.

“Unless it's your destiny, why not?

“Pero isa lang ang politiko sa buhay namin, okey na siguro.

“If you really wanna help… I mean, if you have the means as artista, you can help.

“You don't really have to be in power, kasi you're already empowered by all the attention, and leading an example, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, technically, no need to be in power. What for?

"Just help and help."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN