Ken Alfonso downplays jealousy issues among co-Mercator talents: “Iba-iba naman po ang pag-build up sa amin...”

Touchdown host Ken Alfonso clarifies an earlier statement he made where he alluded to jealousy issues among his co-Mercator talents. Explaining why he has been given his own TV hosting stint, he clarifies, “I like to believe na kaya ako nilagay ni Jonas sa TV hosting is because alam niyang kaya ko itong gawin.”


Feeling-lucky ang Kapuso hunk na si Ken Alfonso dahil makakasama niya sa kanyang travel show na Touchdown ng GMA NewsTV ang newly-crowned Bb. Pilipinas-Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Kinuwento nga ni Ken nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last March 18 sa Chef’s Noodle Restaurant sa Robinson’s Magnolia in Quezon City, na kabilang si Pia sa kanyang guest hosts na kinabibilangan din ng former Bb. Pilipinas winners na sina Venus Raj at Ariella Arida.

Nag-premiere telecast na ang Touchdown last March 21 at umere na nga ang dalawang Hongkong episodes ni Ken with Ariella Arida.

“Makakasama ko si Pia sa episode na na-shoot na namin in Japan.

“When we did that episode, hindi pa nakakapag-decide si Pia kung sasali siya sa Bb. Pilipinas.

“Twice na kasing sumali si Pia and she’s having second thoughts about joining again.

“Doon na sila nag-usap ng manager naming si Jonas Gaffud [of Mercator Models]. He wants her to give it another try at baka nga naman suwertehin na siya.

“Actually, we all prayed na sana manalo si Pia para kapag umere na ang show, at least ay may title na siya.

“E, nangyari ngang nanalo si Pia kaya sobra kaming masaya para sa kanya.”

FUN WORKING WITH PIA. Ayon kay Ken, masaya raw kasama sa trabaho si Pia tulad nina Venus at Ariella.

“Pia is very nice at very down-to-earth tulad nila Venus and Ariella.

“Kaya madali kaming nagkasundo dahil okey siyang katrabaho.

“Plus we both love to cook. I learned na nag-aral din ng culinary arts si Pia kaya when it comes to food, nagkakasundo kaming dalawa.

“That’s why I feel so lucky to have worked with with Pia bago pa man siya nakoronahan as Bb. Pilipinas-Universe,” ngiti pa ni Ken.

JEALOUSY ISSUES WITH CO-MERCATOR TALENTS? Dahil mabilis ngang nabigyan ng break sa pagiging TV host si Ken, tinanong namin siya kung worried ba siya na baka may mga magselos sa ibang male talents ng Mercator dahil mabilis siyang nagkaroon ng sariling show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Ken Alfonso admits jealousy issues among Mercator talents

Ang ibang co-talents nga ni Ken sa Mercator ay sina Benjamin Alves, Daniel Matsunaga at Fabio Ide.

Paglilinaw ni Ken, “Ayoko naman pong isipin na may magseselos dahil iba-iba naman po ang pag-build up sa amin ni Jonas.

“Like si Benjamin, he’s being groomed as a dramatic actor sa mga teleserye.

“Si Daniel naman, he’s with ABS-CBN and he’s also being groomed as an actor aside from being a model and product endorser.

“Si Fabio naman po, he has his own game show sa Viva channel na Dobol Or Samting.

“I like to believe na kaya ako nilagay ni Jonas sa TV hosting is because alam niyang kaya ko itong gawin.

“Lumalabas din naman ako sa TV like in Kailan Ba Tama Ang Mali? but Jonas feels na kaya ko rin ang hosting.

“Like dito sa Touchdown, wala kaming script talaga. I do my own research sa country na gagawan namin ng feature. 'Tapos free-flowing na lang ang mga nangyayari.

“Sinasabi lang sa akin ng writer yung mga important key words and ako na bahala magbuo kapag nag-take na kami.

“Madaling gawin for me kasi I really enjoy travelling at kailangan nandoon yung curiosity mo sa lahat ng bagay. It makes it more challenging for me.

“And since I have a background in Culinary Arts, I also get to try out the food ng bansang binibisita namin.”

Sa mga susunod na episodes ng Touchdown, mapapanod ang pamamasyal ni Ken sa mga bansang England, France, Switzerland, Germany, Ireland, at Japan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN