Megan Young encourages Winwyn Marquez to join Miss World Philippines: “I say go for it.”

May paalala si Miss World 2013 Megan Young sa mga artistang gustong sumabak sa beauty pageants: “You have to live up to it if you win the title or if you want to join. You have to be a good example.”


Sa contract signing ni Miss World 2013 Megan Young sa GMA Network ngayong Martes, March 31, tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nalungkot ba siya o masaya nang ipasa ang korona kay Rolene Strauss ng South Africa.

Read: Megan Young signs one-year contract with GMA; to co-host StarStruck 6 with Dingdong Dantes

Sagot ng actress-beauty queen, “Mix of both.

“Nung napasa ko na yung crown, relieved, kasi makikita ko na ang family ko, makakauwi na ako.

“Pero sad. Siyempre yung pagta-travel mo, nakasanayan mo na.

"Yung duties mo every day, ganito pupuntahan natin, ganito preparation ko.

"Yun siguro na-miss ko… yung people na nakatrabaho ko, ka-batch ko, at yung new batch na nakasama ko."

Si Megan ang kauna-unahang Pilipinang kinoronahang Miss World.

Inusisa rin sa nagbabalik-Kapusong si Megan kung ano ang kailangan ng isang Pilipinang kandidata para manalo sa prestihiyosong beauty pageant.

Sagot niya, “I guess it would really have to take somebody that’s beautiful really on the inside, yun talaga. It really matters.

“'Pag si Julia Morley [Miss World Organization chairman], alam niya kapag totoo ka.

"Makausap ka lang niya ng ilang segundo, alam niya na, ‘A, ang taong ito, totoo.'

“And it takes a lot of dedication and hard work na hindi puwedeng may mali lang, mapapagod ka o maggi-give up ka na.

"Kasi tingnan mo nga kami, naaksidente kami, first trip ko 'yon."

Ang tinutukoy ni Megan ay ang aksidenteng nangyari sa Haiti noong November 2013, matapos bumagsak ang tinutuntungan nilang sahig sa second floor ng isang itinatayong eskuwelahan kasama ang may 78 bata sa isang orphanage.

Patuloy niya, “Pero inisip ko, hindi na ako natakot, kasi alam ko na even if this happened, ang dami pa rin naming natutulungan.”


ENCOURAGING WINWYN. Tinanong din si Megan kung hihikayatin ba niya si Winwyn Marquez na sumubok sa Miss World Philippines, pagkatapos nitong mabigo sa 2015 Binibining Pilipinas pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Why not? Winwyn is a very nice girl.

“I met her... under Aces & Queens din siya, the camp which trained me.

"And she’s a very, very determined lady. And if she wants to, why not?"

Paalala lang ni Megan, “I say go for it, but only if she really wants to.

“Basta dapat nasa puso mo ‘yan kung sasali ka talaga, especially if it’s for another time.”

Magkahalintulad sina Megan at Winwyn dahil mga artista na sila bago pa sumali sa beauty pageant.

Ano naman ang mensahe ni Megan sa mga babaeng artista na iniisip ding sumali sa beauty pageants?

“Bago ako sumali, siyempre I weighed out, what if I lost?

“At that time, may work ako, pero on and off.

"What if I lost? Magkakaroon pa kaya ako ng work? Baka isipin nila ako yung talunan.

"So, it was really hard for me kasi ako lagi pinu-push, ‘O, sali ka ng pageant.’

"'Tapos biglang madi-disappoint sila if I lost. So, yun yung risk.

“But I took it kasi inisip ko rin, what if I won?

“Kahit yung local pageant, there would be so much good things happening around me, even if hindi ko alam kung ano 'yon.

“Alam kong maganda yung outcome if I win in the local pageant, so yun lang yung nakakatakot.

“But actually, it’s very fun.

“Kung meron mga artistang gustong sumali, mahirap yung training, pero masaya.

“You become friends with a lot of people, but you really have to dedicate your time.

"Kasi hindi lang siya sasali ng pageant at mananalo ka. May responsibilities ka.

"Kasi you’re a role model to a lot of young girls who want to be a Miss World Philippines or a Miss World.

"So, you have to live up to it if you win the title or if you want to join. You have to be a good example."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ngayong Semana Santa, plano ni Megan na pumunta ng Zambales.

Gayunpaman, sinabi niyang malapit nang simulan ang mga proyektong nakapila sa kanya sa Kapuso Network, at isa na rito ang StarStruck 6 na planong umpisahan sa Mayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN