Megan Young not ready to settle down yet: “I’m providing for my family. So that’s the number one priority now.”

Miss World 2013 and Kapuso star Megan Young has a message to those who aspire to join StarStruck: “Kung manalo kayo, that’s a great thing, so always aim to win. But don’t step on other people to get your way there. Kailangan maganda pa rin yung path mo, hindi ka nang-aapak ng ibang tao para mag-succeed ka."


Wala pa sa isip ni Megan Young ang lumagay sa tahimik.

Ito ang nilinaw ng Miss World 2013 sa contract signing niya sa GMA Network nitong Martes, March 31, nang matanong kung kailan niya balak magpakasal.

Read: Megan Young signs one-year contract with GMA; to co-host StarStruck 6 with Dingdong Dantes

Sa kasalukuyan, nauugnay ang 25-year-old actress-beauty queen sa Kapuso actor-TV host na si Mikael Daez.

Gayunpaman, mailap ang dalawa sa tuwing natatanong kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngayong pareho na sila ng home network, sinabi ni Megan na bukas siyang makatrabaho ang rumored boyfriend sa isang proyekto.

Pero ano nga ba ang pananaw ni Megan pagdating sa pagpapakasal?

Sagot niya, “I guess, first, let’s find a ring to put on my finger and somebody to ask me to get married to them.

"I think that’s the first step and then we’ll see from there.

“I think, now, the main focus is work, kasi siyempre I’m providing for my family.

"So, that’s the number one priority now."

Dugtong pa niya, “Ngayon, like I said, commitment ko is with the network.

"Gagawin ko yung lahat ng dapat kong gawin and medyo malayo pa po 'yon [wedding].

“Pagdating sa ganyan, wala talagang tamang time. Nangyayari lang when it does.

"So, 'pag dumating and you know it’s a good thing, why not?”


STARSTRUCK. Samantala, isa sa mga gagawing proyekto ni Megan sa kanyang pagbabalik sa GMA Network ay ang StarStruck 6, kung saan magiging co-host niya ang original host ng reality-based artista search na ito—si Dingdong Dantes.

Si Megan ay produkto mismo ng nasabing programa at kabilang sa Batch 2 noong 2004, kung saan isa siya sa naging Avengers.

Hiningan ng payo si Megan sa mga nangangarap na sumali sa artista search na ito ng Kapuso network na posibleng umere sa darating na Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kung manalo kayo, that’s a great thing, so always aim to win.

"But don’t step on other people to get your way there.

“Kailangan maganda pa rin yung path mo, hindi ka nang-aapak ng ibang tao para mag-succeed ka.

“And kung mangyari na hindi ka manalo, don’t be too sad about it.

"Kasi tingnan mo ako, Avenger ako, pero nagsikap talaga ako to achieve my dreams, even it did take a while.

“Sometimes, things may not happen right away for other people, but you’ll have to work hard for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN