Balesin CEO on controversial ’yaya meal’: "Any talk of discrimination is inappropriate."

Balesin CEO/Island director Mike Asperin on ’yaya meal’ controversy: "’Yaya meal’ is merely an accommodation and an option for the guest for their ’yaya.’ Hence, we do not serve this meal if there is no instruction at all from the guest for a ’yaya meal’ to be served to a ’yaya,’" says the Balesin CEO, addressing speculations surrounding Maggie Wilson-Consunji’s statement about ’y


“Any talk of discrimination is inappropriate.”

Ito ang pahayag ng isang opisyales ng Balesin Island Club tungkol sa pinag-uusapan ngayong "yaya meal."

Kaugnay ito ng insidenteng kinasangkutan ng ina at yaya ng anak ni Maggie Wilson-Consunji, isang model/actress at former beauty queen.

April 4 nang ibahagi ni Maggie sa kanyang Facebook account ang pagkadismaya niya tungkol sa konsepto ng “yaya meal” para sa kasamang nannies ng members/guests ng Balesin Island Club.

Ito ay matapos magkaroon ng 'di pagkakaintindihan sa pag-order ng breakfast meals ng ina ni Maggie at yaya ng anak ng dating Bb. Pilipinas-World habang nagbabakasyon ang mga ito sa naturang resort nitong katatapos na Holy Week break.

Sabi sa isang bahagi ng Facebook post ni Maggie ukol dito: “But they do however have such a thing as a 'yaya's meal', the waiter that served them was clearly not informed correctly. But still, the fact that there are people who don't want their yayas to eat whatever they want to is beyond me. Hence the resort having to offer a 'yaya's meal'. I still find that offensive.”

Read: Maggie Wilson criticizes exclusive resort's "yaya's meal" and "no credit card, no eat" rule on Facebook

Sa official statement na inilabas ng Balesin Island Club sa kanilang Facebook account kahapon, April 6, nilinaw ng CEO/island director nitong si Mike Asperin na ang pagse-serve ng “yaya meal” ay hindi mandatory kundi kailangan pang i-request ng isang resort member para sa kasamang “yaya” nito.

Taliwas sa negatibong impresyon sa konsepto ng “yaya meal” ng ibang netizens, tiniyak ni Asperin na ang naturang meal option ay masarap at magugustuhan ng sinumang kakain nito.


NOT DISCRIMINATORY. Narito ang kabuuang pahayag ni Asperin ng Balesin Island Club kahapon, April 6:

"We at Balesin Island Club do not understand this entire hullabaloo about the 'yaya meal.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Any talk of discrimination is inappropriate.

“In fact, if the guest or member chooses to have the Club serve the 'yaya' tenderloin steak and lobster thermidor, we will gladly serve it to the yaya.

“'Yaya meal' is merely an accommodation and an option for the guest for their 'yaya.'

“Hence, we do not serve this meal if there is no instruction at all from the guest for a 'yaya meal' to be served to a 'yaya.'

“Incidentally, the yayas are thrilled with their meals because these are deliciously prepared by our chefs, as well, for our operating staff at Balesin."


INCIDENT INVOLVING MAGGIE'S MOM AND NANNY. Kasunod nito ay nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang contact person sa Balesin Island Club management, sa pamamagitan ng pagtawag at palitan ng mensahe sa telepono kahapon.

Bilang bahagi ng Balesin management, nilinaw ng contact person na ang “yaya meal” ay "off the menu" o hindi nakasulat sa menu ng bawat specialty restaurant ng Balesin na mayroong pitong themed villages: Bali, Phuket, Mykonos, Toscana, Costa Del Sol, St. Tropez, at Balesin Clubhouse na naghahain ng Indonesian, Thai, Greek, Italian, Spanish, French, at Filipino cuisine, respectively.

Kasama rin dito ang pinakabagong themed village ng resort, ang Royal Villa.

Dagdag pa ng nakausap ng PEP, ilan sa mga inihahaing breakfast meals na maaaring i-request ng member/guest para sa kanilang personnel (i.e. nanny or driver) ay daing na bangus, Vigan longganisa, at hamonado.

Maaari rin umanong mag-request ng lunch/dinner meals tulad ng liempo, lechon kawali, at pork chops para sa personnel ng resort member/guest.

Kung anu't ano pa man, malinaw umanong nagkaroon ng “miscommunication” sa pagitan ng ina at ng yaya ng anak ni Maggie sa 'di nakilalang wait staff ng Balesin.

Ngunit nang makarating daw sa Balesin management ang pahayag ni Maggie hinggil sa insidente ay agad ding naayos at nabigyang-linaw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang isyu na nabanggit ni Maggie sa kanyang Facebook account ay ang bagong "no credit card, no eat" rule ng Balesin na napag-alaman lang daw niya noong dumating na siya at ibang kaanak sa resort.

Paliwanag ng PEP source mula sa Balesin management hinggil sa credit-card-only policy para sa financial transactions ng member/guest sa Balesin Island Club:

"All members were informed of the credit card policy which will take effect on April 1. E-mail [notification] to all members were sent March 17 regarding new credit card policy."

Sa huli, iginiit ng PEP source na walang rason upang palakihin ang isyu lalo pa't nananatiling “valued member” si Maggie ng nasabing exclusive, for-members-only resort.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN