Dennis Trillo and Jennylyn Mercado back in each other’s arms?

Tahimik pa rin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado tungkol sa maugong na balitang nagkabalikan na raw sila matapos nilang maghiwalay apat na taon na ang nakalilipas. Natuwa naman ang mga tagahanga ng dalawa sa anila’y pagbabalikan ng "#DenJen."


Nagkabalikan na nga ba sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo?

Usap-usapan kasing magkasama ang dalawa—base na rin sa mga larawang ipinost nila sa social media—sa exclusive, for-members-only na Balesin Island Club sa Polillo, Quezon, nitong nakaraang Holy Week.


PICTURESQUE PHOTOS. Noong Biyernes Santo, April 3, nag-post si Jennylyn sa kanyang Instagram account ng isang larawang nagpapakita ng magandang tanawin sa naturang exclusive resort.

Kinabukasan, Sabado, April 4, si Dennis naman ang nag-post sa Instagram account niya ng iba pang magagandang tanawin sa isla.

A photo posted by @dennistrillo onApr 3, 2015 at 8:33pm PDT

Dito na nabuo ang espekulasyong nasa iisang lugar lang sina Jennylyn at Dennis.

Lalo pang lumakas ang kutob ng marami na magkasama nga ang dalawa nang muling nag-post si Dennis noong Linggo, April 5, ng isang larawang tila kuha sa isang restaurant sa resort, kung saan may nakatalikod na babae.

📷🍧🍦 #latepost

A photo posted by @dennistrillo onApr 5, 2015 at 6:27am PDT

Ayon sa followers na nagkomento sa naturang larawan, kahit malayo ang kuha ng litrato ay halatang si Jennylyn ang nakatalikod na babae.

Ilang araw bago mag-Holy Week, may post naman si Jennylyn tungkol sa love sa kanyang Instagram.

😍❤️LOVE❤️😍

A photo posted by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) onMar 26, 2015 at 5:35am PDT


THE #DENJEN LOVE STORY. Taong 2010 naging magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis.

Matapos ang isang taon, naging masalimuot ang hiwalayan ng dalawa na nauwi pa raw sa pisikal na sakitan.

Read: FIRST READ ON PEP: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo break up

Ang kasunod na naging boyfriend ni Jennylyn ay si Luis Manzano, ngunit naghiwalay sila huling bahagi ng taong 2013.

Read: Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed

Si Dennis naman ay naging girlfriend si Bianca King, ngunit naghiwalay rin sila agad noong 2012.

Kahapon lamang, April 6, inamin ni Bianca na sa text lang siya hiniwalayan ni Dennis.

Read: Bianca King names Dennis Trillo as the ex-BF who broke up with her via text

Wala pa mang kumpirmasyon mula mismo kina Dennis at Jennylyn tungkol sa kanilang pagkakabalikan, labis na itong ikinatuwa ng kanilang fans, na kung tawagin ay #DenJen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN