Daniel Padilla, Kathryn Bernardo get cozy at airport arrival in Manila

Daniel Padilla and Kathyrn Bernardo proved that all is well between them as they arrived in Manila from their Kapamilya U.S. tour yesterday, April 7. The two were also spotted leaving the airport in Daniel’s black sports car.


“We’re back.”

Ito ang simple ngunit kinakiligang caption ni Kathryn Bernardo sa litrato nila ni Daniel Padilla sa San Francisco, California noong April 1.

Tila nakabuti ang dalawang linggong pamamalagi nila sa U.S. para sa ilang Kapamilya shows.

We're back. 🌉

A photo posted by Kathryn Chandria Bernardo (@bernardokath) onMar 31, 2015 at 7:11pm PDT

Kahapon, April 7, ay bumalik na sa Pilipinas ang dalawa at sinalubong pa sila ng ilang fans sa airport.

Base sa video na kuha ng TV Patrol, kapansin-pansin ang sweetness sa pagitan ng rumored couple, lalo pa’t mahigpit ang pagkakahawak ni Daniel sa braso ni Kathryn habang inaalayan ito palabas ng airport.

Todo ang pag-alalay ni Daniel kay Kathryn, at magkasama silang sumakay sa itim na Mustang na pag-aari ng aktor.

Makikitang mismong si Daniel ang nagmaneho ng kotse habang si Kathryn naman ay nakaupo sa passenger’s seat.

RUMORED FALLING OUT. Bunsod nito, marami sa avid fans nina Daniel at Kathryn (KathNiel) ang natuwa na makitang nananatiling maganda ang samahan ng dalawa sa likod at harap ng kamera.


Ito ay matapos maging usap-usapan sa social media ang tila pagkakalabuan sa pagitan ng rumored couple noong Pebrero.

Kasabay nito ang muling pagkakaugnay kina Daniel at Jasmine Curtis-Smith, na noon ay kahihiwalay lang sa boyfriend na si Sam Concepcion.

Read: Jasmine Curtis-Smith says breakup with Sam Concepcion has nothing to do with sister Anne

Ganunpaman, todo ang pagdepensa ng KathNiel fans kay Daniel, at marami pa rin sa kanila ang naniniwalang higit pa sa simpleng pagkakaibigan o magka-loveteam ang turingan ng aktor at ni Kathryn.

Minsan na ring naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkumpirma ng ilang sources na malapit kina Daniel at Kathryn na naging opisyal na magkarelasyon ang dalawa noong 2014.

READ: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources


KARLA ON DANIEL AND KATHRYN’S STRONGER FRIENDSHIP. Sa gitna ng espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Daniel at Kathryn, nagsalita noon ang ina ng aktor na si Karla Estrada na maging siya ay hindi “maarok” ang aspetong ito sa buhay ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Karla sa panayam ng PEP at ilang entertainment reporters noong March 1: “Bilang ina, sa nakikita ko, mas malalim ang pagkakaibigan.

“Dun sa pagkakaibigan [o pagiging more than friends], mas ‘di yun maarok.

“Parang mas mawiwindang yung pagsasama [kapag nahaluan ng lovelife] kaya mas pinalalim yung friendship.

“Actually yun, e, kasi naghilahan pataas, e.”

Read: Karla Estrada on real score between Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: "Kaya na nila sagutin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN