Coco Martin gives clues on Vice Ganda’s current lovelife: "Chinese-Chinese... mula sa isang pageant."

Dahil sa mga rebelasyon ni Coco Martin kamakailan tungkol sa posibleng bagong “apple of the eye” ni Vice Ganda, lumutang ang pangalan ng Mr. Chinatown 2014 na si Kurt Ong. (Photo) Ang larawang ito ay screen grab mula sa November 13, 2014 episode ng Kris TV, kung saan parehong nag-guest sina Vice at Kurt (kanan).


Usap-usapan na naman ngayon ang lovelife ng TV host-comedian na si Vice Ganda.

Ito ay matapos ang mga pambubuking ni Coco Martin tungkol sa "Unkabogable Star" nang mag-guest ang dramatic actor sa birthday special ni Vice sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, April 5.

Kasama ni Coco na nag-guest sa naturang episode ang kanyang leading lady sa pelikulang You're My Boss na si Toni Gonzaga.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging matalik na magkaibigan nina Vice at Coco, na nagsimula bago pa man nila parehong pinasok ang mundo ng showbiz.

Sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ni Vice na masaya ang estado ng kanyang buhay-pag-ibig ngayon, subalit hindi siya nagbigay ng clue tungkol sa katauhan ng kanyang kasalukuyang boyfriend.

Read: Vice Ganda refuses to reveal identity of current boyfriend: "Meron, pero no name!"


“CHINESE-CHINESE.” Sa unang bahagi ng Gandang Gabi Vice episode noong Linggo, ibinunyag ni Coco na “manager” na raw si Vice ngayon.

Natatawang pambubuking ni Coco kay Vice: “Ikaw na yung nagbu-book ngayon!

“Siya na ang nagbu-book ngayon sa mga soap opera. May ibinu-book ‘yan.”

Umiwas si Vice at sinabing hindi siya maka-relate sa sinasabi ni Coco.

Hirit naman ni Coco, na malinaw na may tinutukoy na tao: “Di ka maka-relate, ikaw pa nga ang bumibili ng mga damit!”

Paliwanag naman ni Vice na halatang umiiwas, “Hindi. Kasi meron akong mga talent, mga babae, mga bakla… tinutulungan ko mga kasamahan ko sa comedy bar.”

Pero hindi tumigil si Coco sa pambubuko niya sa kaibigan.

“Pati sa talent fee, siya na rin ang nagbibigay.

“Actually, hindi na kailangan mahal sa talent fee, siya na ang nagbibigay, ‘O, sige na, mag-taping ka na.’

"'Tapos ang gagawin niya, siya ang tatawag sa mga talent coordinator para sabihin, ‘Baka meron naman diyan na role na mga Chinese-Chinese.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na may kasamang pagkagulat ang reaksiyon ni Vice sa sinabi ni Coco.

Banat ni Vice kay Coco: “Ikaw, wala kang pinagkaiba kay Alex Gonzaga, parehong-pareho kayo.

"Naloka naman ako sa Chinese-Chinese ni Coco!

“Ikaw pinuprotektahan ko ang career mo, ikaw binabagsak mo ako!”

Ipinaliwanag naman ni Vice na hindi siya nagma-manage, kundi tumutulong lamang sa mga baguhang gustong mag-artista.

Dagdag pa niya, "Sabi ni Sir Deo [Endrinal, talent manager ni Vice], ‘Ang dami mo nang na-achieve dapat tumutulong ka rin sa mga nagsisimula.’"

“SANA DALAWA ANG PUSO KO.” Sa isang punto ng interview, nagkaroon ng game kung saan babasahin ni Toni ang mga “killer questions” para kay Vice, subalit si Coco ang sasagot para sa kaibigan.

Para sa unang tanong, anong kanta raw ang babagay ngayon para kay Vice.

Sagot ni Coco, “Sana Dalawa ang Puso Ko.”

Sinabi naman ni Vice na mali ito.

Hirit ni Coco: “Bakit? Kinalimutan mo na ba ang isa at nailipat mo na ang iyong pagmamahal sa bago mong mina-manage?"

Diin naman ni Vice: “I’m not managing anyone, I’m just helping.”

Inusisa pa ni Coco si Vice kung kailan huling nag-text sa kanya ang binibilhan niya ng limited edition na rubber shoes.

Ibinisto pa ni Coco si Vice na may kasama ito nang magpunta sa Hong Kong at binilhan ng maraming rubber shoes.

Nagpakuwela na lang si Vice at nagbirong may bago siyang business na buy-and-sell.

Nang itanong kung in love ba ngayon si Vice, sagot ni Coco: “Meron talaga siyang totoong mahal, pero siguro dumarating din yung pagkakataon na napapagod at nasasaktan na ang puso niya.

"Na bigla na lang may isa siyang nakilala mula sa isang pageant."


KURT ONG. Dahil sa mga clue na ibinigay ni Coco tungkol sa diumano’y bagong napupusuan ni Vice, maraming netizens ang naintriga.

Sa iba't ibang entertainment blogs, lumutang ang pangalan ni Kurt Joshua Ong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kurt ang kinoronahang Mr. Chinatown noong 2014.

Naging bahagi rin si Kurt ng The Amazing Praybeyt Benjamin (2014) na pinagbidahan ni Vice at idinirek ni Wenn Deramas. Gumanap siya rito bilang isa sa mga kasamahang sundalo ni Vice.

With The blockbuster director Direk Wenn Deramas 🎥😊 #tb

A photo posted by Kurt Joshua Ong (@kurtjoshua_) onJan 22, 2015 at 9:15pm PST

Lumabas na rin si Kurt sa Kris TV noong November 13, 2014, kung saan nakasama rin si Vice sa nasabing episode.

Vice Ganda (right) together with Mr. Chinatown 2014 Kurt Ong (left) and 1st runner-up David Licauco in a Kris TV episode last year.

Sinasabi rin sa entertainment blogs na mula pa noong nakaraang taon ay naba-blind item na sina Vice at Kurt.

Samantala, napansin ng PEP ang usapan ng dalawang Twitter users ngayong Miyerkules, April 8, kung saan sinabi ng isa na in-unfollow raw ni Vice si Kurt Ong sa Instagram.

Humirit naman ang pangalawang Twitter user kung paano niya nalaman ang pag-unfollow ni Vice kay Kurt, at sinabi nitong kabisado niya ang profile ni Vice.

Nauna nang naugnay si Vice sa dating FEU Tamaraws star player at ngayo'y PBA player nang si Terrence Romeo.

Read: Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo's denial


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN