Marian Rivera proudly wears "I Love Albay" shirt; still mum about rumored pregnancy

Marian Rivera shows the Albayanons how proud she is to wear the "I Love Albay" shirt when she visited the province last Friday, April 10, for the Daragang Magayon Festival 2015.


Dahil sa kontrobersiyang idinulot ng pagtanggi diumano ng Kapamilya actor na si Xian Lim na suotin ang "I love Albay" shirt nang magpunta siya sa naturang lalawigan noong Pebrero, naging makahulugan para sa mga taga-Albay ang pagsusuot ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng nasabing T-shirt nang bumisita siya roon.

Nitong Biyernes, April 10, ay nagpunta si Marian sa Albay para makilahok sa Daragang Magayon Festival 2015.

At sa harapan mismo ng mga libu-libong Albayanon ay isinuot ng aktres ang kulay itim na T-shirt na may nakasulat na "I Love Albay Philippines" sa harap.

Labis naman itong ikinatuwa ng mga tao, lalo pa nang magpakuha si Marian na suot ang T-shirt habang nasa background silang lahat.

(Photos: Courtesy of Rico Manallo Photography)

PREGNANCY RUMOR. Samantala, nananatiling tahimik ang kampo ni Marian, maging ang asawa niyang si Dingdong Dantes, sa kumalat na balitang buntis na raw ang Kapuso Primetime Queen.

Pagkatapos lumabas sa isang gossip blogsite ang balitang kumpirmadong buntis na si Marian ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang ilang malalapit na tao sa aktres at kay Dingdong.

Ngunit wala silang kumpirmasyon o pagtanggi kaugnay ng balita.

Ang sabi lang nila, magsasalita rin sa tamang panahon sina Marian at Dingdong kung totoo o hindi ang balita.

Sa Martes, April 14, ay nakatakdang humarap si Marian sa press para sa kanyang bagong endorsement. Dito ay inaasahang magsasalita na ang aktres tungkol sa balitang buntis siya.

Ngunit nauna nang sinabi ni Marian sa isang interview niya sa PEP na gusto niyang ngayong taon na sila magkaanak ni Dingdong.

Pahayag niya, “Siyempre, 'di ba, kahit gustuhin mo, pero 'di pa Niya call at hindi pa rin time, wala talaga.

“Pero siyempre, gusto namin sana this year.”

Ngunit dagdag niya, “Ayaw ko muna siya pangunahan.

“Sa ngayon, ine-enjoy namin together ang pagiging mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Looking forward kami na magkaanak this year, 'tapos dasal."

Read: Marian Rivera looks forward to having a baby with hubby Dingdong Dantes this year

Kung sakaling totoo ngang nagdadalantao na si Marian, tiyak na maaapektuhan kahit papaano ang sinisimulan na niyang bagong primetime series sa GMA Network, ang The Rich Man's Daughter.

Si Dingdong naman ay napapanood na sa teleseryeng Pari 'Koy.

Ikinasal sina Marian at Dingdong noong December 30, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN