JM de Guzman on devastation of Sagada issue: “Hindi naman magiging gano’n kasama kung maraming turista ang pumunta doon.”

The sudden influx of tourists to Sagada, Mountain Province, is being blamed on the movie, That Thing Called Tadhana. JM de Guzman, who starred in the movie, speaks up on the controversial Sagada devastation issue: “Para sa akin, hindi naman po masama yun. Actually, nakadagdag pa nga yun sa tourism natin. Pero siguro…nirerespeto ko na lang po kung sinuman yung nagagalit.”


Sa tatlong pinarangalang Pinaka-PASADOng Aktor Ng Taon sa 2015 Gawad PASADO Awards, si JM de Guzman lang ang nakarating sa awarding nito na ginanap sa San Sebastian College auditorium sa Recoletos, Manila, Sabado, April 11.

Si Allen Dizon na nanalo rin sa nasabing kategorya para sa pelikulang Magkakabaung ay nasa Asean Film Festival na kasalukuyang ginaganap sa Malaysia. Ang isa pang awardee na si John Lloyd Cruz ay may taping daw kaya hindi nakadalo.

Bakas sa mukha ni JM ang sobrang kasiyahan nang tanggapin ang kanyang acting trophy para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang That Thing Called Tadhana.

“This is my second Best Actor award,” masiglang bungad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ang una ay yung sa Metro Manila Film Festival. Do’n sa movie na Pintakasi.”

Masaya raw si JM na bukod sa best actor award niya ay pinarangalan din ang That Thing Called Tadhana bilang Pinaka-PASADOng Pelikula Ng Taon.

SAGADA DEVASTATION ISSUE. Aware daw siya sa naging issue kamakailan tungkol sa pelikula nilang ito ni Angelica Panganiban. Isa sa naging location kasi nito ay ang Sagada, Mountain Province.

Pagkatapos maipalabas ng pelikula ay nagsimulang magdagsaan ang mga turista sa nasabing lugar. Dahil dito ay may ilang netizens na bumatikos dito at tila sinisisi ang direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone.

Read: That Thing Called Tadhana director called out for "devastation" of Sagada

Sinasabing hindi pa raw handa ang Sagada para sa pagdagsa ng mga turista. At baka raw simula na ito ng pagkasira ng lugar dahil sa pagdaying ng napakaraming tao.

“Para sa akin, hindi naman po masama yun. Actually, nakadagdag pa nga yun sa tourism natin.

“Pero siguro… nirerespeto ko na lang po kung sinuman yung nagagalit.

“Pero sa tingin ko po, hindi naman magiging gano'ng kasama kung maraming turista ang pumunta doon,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL FOR AWARD. Sunod na naipahayag ni JM ay ang labis niyang pasasalamat sa Pampelikulang Samahan ng mga DalubGuro na siyang nasa likod ng Gawad PASADO Awards at sa Best Actor award na ibinigay ng mga ito sa kanya.

“Sobrang salamat po. Actually, nung in-accept ko yung trophy, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko,” sabay ngiti ng aktor.

“Basta sobra po akong masaya.

“At malaking karangalan po para sa akin na mapalinya kina Allen [Dizon] at John Lloyd,” pagtukoy niya sa dalawa pang Best Actor awardees ng Gawad PASADO.

“Sa akin po, bilang aktor… parang binu-boost po yung hunger ko to give more, and to do more. To be at my best.

“Kasi po… kahit sino naman po, e. Na ma-recognize ng ganito, e ano po… mas lalo pong ginaganahan na pagbutihin pa.

“Sobrang overwhelming po yung pakiramdam,” lahad pa niya.

LUCKY TO BE GIVEN ROLE. May panahong sumadsad ang career ni JM noong napapabalitang naging problemado siya, nawawalan na ng ganang magtrabaho, at diumano’y nalulong sa masamang bisyo.

Ngayon, maganda ulit ang takbo ng kanyang career.

Sa pakiramdam ba niya ay nakabawi na siya?

Pag-amin ni JM, “Hindi ko po talaga expected na maparangalan ako.

“Actually, hanggang ngayon na natanggap ko na yung award, hindi ko pa rin po alam kung ano ang sasabihin ko.

“Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Basta parang… positive yung feeling.

“Pakiramdam ko, napakasuwerte ko talaga. Ang suwerte ko na ako ang napili bilang Anthony [ang role niya sa That Thing Called Tadhana].

“Marami pong pinagpilian para gumanap sa role na ito. And ‘yon… sobrang suwerte ko na sa akin napunta.

“Magandang bagay po iyon para sa akin.”

Kanino niya iniaalay ang kanyang award?

Saad niya, “Sa lolo ko, actually. Kasi he passed away habang ginagawa ko itong movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At iyon yung wish niya sa akin na pagkalabas nito sana e… magiging proud ang lahat for me.”

JESSY MENDIOLA. Ang ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola ay masaya rin daw sa pagkapanalo niya ng award.

Ayon kay JM, “Sabi niya… congrats!”

Kumusta ba sila ni Jessy ngayon?

“Okey naman po. Masaya po ako,” ngiti niya.

Ano ang natutunan niya sa mga nangyari dati sa kanila ni Jessy na puwede niyang gamitin ngayon?

“Kapag bata o immature ka, masyado kang tactless... sa decision-making at sa pag-iisip.

“Iyon ang natutunan ko. Take time, enjoy things, appreciate things.

“Appreciate life. 'Yon!”

BACK TOGETHER AGAIN? May nai-post siya recently sa kanyang Instagram na magkatabi sila ni Jessy 'tapos sinasabi niya do'n na... "Mamahalin kita umaga, tanghali, gabi."

Nagkaayos at nagkabalikan na ba silang dalawa?

“Basta... hindi ko pa po masagot, e.

“Pero masaya po ako. Masaya siya.

“And isa po 'yon sa goal ko… sana maging kami ulit,” panghuling nasabi ni JM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN