Luis Manzano’s Instagram account almost got hacked

Luis Manzano updates followers about a hacker who tried to gain access to his Instagram account.


Ipinaalam ni Luis Manzano sa kanyang Instagram followers na muntik nang ma-hack ang kanyang Instagram account ngayong gabi, April 12.

Ibinahagi ng TV host/actor ang natanggap niyang notification na naglalayong kumpirmahin kung nais niyang mag-request ng password sa naturang photo-sharing application.

Ngunit hindi tulad ng karanasan ng ilang artista, naiwasan ni Luis ang pagtatangkang mapalitan ng hacker ang kanyang password.

Tsk tsk hackers!

A photo posted by Luis Manzano (@luckymanzano) onApr 12, 2015 at 5:30am PDT

Bukod kay Luis, nauna nang naibalita ang karanasan ni Angelica Panganiban kung saan na-hack ang kanyang Twitter account.

Nakatanggap din si Angelica ng "reset password" notification sa kanyang Instagram katulad nang nakuha ni Luis.

Maging ang isa pang Kapamilya star na si Daniel Padilla ay hindi pa magamit ang kanyang Instagram account na na-hack noong nakaraang linggo.

READ: Daniel Padilla's Instagram account hacked

Base na rin sa mga karanasang ibinahagi ng mga nabanggit na personalidad, mismong mga netizens ay pinaalalahanan ang isa’t isa na regular na palitan ang password upang makaiwas sa hackers sa social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN