Marian Rivera to continue working even while she’s pregnant: "In fairness sa GMA, compromise naman kami."

Marian Rivera on her work schedule now that she’s pregnant: “Tuloy pa rin yung soap opera. Hindi nga lang ako mag-i-Eat Bulaga kasi hindi ko na kakayanin. So, yung The Rich Man’s Daughter, dire-diretso pa rin ako. Tapos hindi ko alam, may niluluto pa kaming isang show sa noontime, hindi ko pa alam kung kakayanin ko."


Tiniyak ni Marian Rivera na tuloy pa rin ang kanyang teleseryeng The Rich Man’s Daughter sa kabila ng kanyang pagbubuntis.

Mismong ang kanyang doktor ang nagbigay ng go-signal na maaari pa ring magtrabaho ang Kapuso Primetime Queen.

Nauna nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kasalukuyang dalawang buwang buntis si Marian.

Read: Marian Rivera is two months pregnant!

Saad ng aktres, “As long as hindi naman ako nahihirapan at compromise naman na hindi ako masyadong puyat at hindi mabibigat yung mga eksena ko, sabi naman ng OB ko, okey naman.

"As long as dati ko pa ginagawa ‘yan, puwede ko pa rin siya gawin kahit buntis ako."

Nakapanayam ng entertainment press si Marian sa kanyang launch bilang bagong celebrity endorser ng 555 Tuna, na ginanap sa Marco Polo Hotel, Pasig City, ngayong Martes, April 14.

Ngunit dahil magiging abala siya sa taping ng teleserye, pinili ni Marian na huminto muna sa paghu-host ng Eat Bulaga!, ang daily noontime show ng TAPE Inc. at GMA Network.

“In fairness sa GMA, compromise naman kami.

“Tuloy pa rin yung soap opera. Hindi nga lang ako mag-i-Eat Bulaga! kasi hindi ko na kakayanin.

“So, yung The Rich Man’s Daughter, dire-diretso pa rin ako.

“Tapos hindi ko alam, may niluluto pa kaming isang show sa noontime, hindi ko pa alam kung kakayanin ko,” paliwanag ni Marian.

Tatapusin ba niya ang isang buong season ng The Rich Man’s Daughter?

Sagot ni Marian, “Hindi ko alam.

"Sana, kasi gusto ko e.

"Once na pinasok ko, tinatapos ko, e."

Determinado si Marian na patuloy na magtrabaho, ngunit aminado siyang mayroong mga proyektong hindi na matutuloy dahil kailangan niyang i-prioritize ang kanyang pagbubuntis.

Bukod sa paghinto niya bilang host ng Eat Bulaga!, posibleng hindi na rin umano matuloy ang kanyang out-of-the-country shows para sa GMA.

Sabi pa niya tungkol dito, “Oo [hindi na tuloy], pero sa kasong ‘yan, siguro ibibigay ko sa GMA muna ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hayaan mong sila na muna mag-abiso kung paano ang gagawin nila."

BABY BUMP. Bilang isa sa mga paboritong mukha ng magazine pictorials, tinanong si Marian kung payag siyang magpakuha para sa isang cover shoot kung saan makikita ang kanyang baby bump.

Pabirong sagot ng Kapuso Primetime Queen, “FHM po ba ‘yan? Depende kung anong magazine.”

Ang totoo ay gusto raw niya sanang gawing pribado ang tungkol sa kanyang pagdadalantao.

Ngunit bilang artista, naiintindihan niyang marami ang kasing-excited malaman ang bawat detalye tungkol sa kanyang kundisyon.

“Siyempre, hindi maiiwasan tanungin sa akin yung pagbubuntis ko.

"Masaya ako dahil, alam ko, lahat kayo masaya para sa akin.

“Pero siyempre, may mga pagkakataon minsan na nasa showbiz kami, minsan inisip ko na sana yung pagkakataon regarding sa pagbubuntis ko, e, ibalato niyo na lang sa akin,” saad ni Marian.

Kaya hiniling ng Kapuso actress na sana ay maintindihan siya kung may mga bagay tungkol sa kanyang pagdadalantao na hindi na niya isapubliko pa.

“Kumbaga, kung magpapa-pictorial man ako o gusto ko tahimik o wala akong ipu-post sa Instagram.

“Sana maunawaan din ng mga kaibigan natin—sa showbiz man 'yan o hindi sa showbiz—na ang pagbubuntis po ay napakasagrado at isa po itong magandang biyaya na gusto po naming namnamin ng asawa ko.

“At hindi naman po artista yung anak ko. Ako lang po at saka yung asawa ko.

"So, sana ibigay niyo sa akin yung pagkakataon na sa akin na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN