Gerald Anderson and Maja Salvador “taking a break” from their relationship

“Hayaan n’yo po kaming mag-recover muna dahil hindi rin po biro ang mga pinagdaanan namin,” says Gerald Anderson about his and Maja Salvador’s decision to “take a break” from their relationship.


Inamin ni Gerald Anderson na “on break” ang relasyon nila ngayon ni Maja Salvador.

Sa press conference ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Nathaniel, ngayong Martes ng gabi, April 14, panandaliang natahimik ang 26-year-old actor nang tanungin tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Maja.

Read: Maja Salvador-Gerald Anderson breakup rumor resurfaces

Ngunit ilang sandali pa ay nagsalita na rin si Gerald tungkol dito.

Pag-amin ng Kapamilya actor, “Opo. We are taking a break muna sa relationship namin.”

Ngunit paglilinaw rin niya, “But okay kami. We're on very good terms at nag-uusap kami.

“We're doing this together and we're taking this step by step together.”

Kasunod nito ay nagpasalamat si Gerald sa mga sumusuporta sa relasyon nila ni Maja.

Aniya, “I just wanna say thank you sa fans namin who were always there sa friends, family namin.

"All we ask right now is to just please, please respect our privacy."

May isang reporter naman ang nagtanong sa aktor kung ano ang kanyang pakiramdam sa pangyayari.

Maiksing sagot ni Gerald: “Bad. That's all I'm gonna say.”

Samantala, umiwas si Gerald nang tanungin kung ang oras para sa isa't isa ang dahilan ng “break” nila ni Maja sa kanilang relasyon.

Aniya, “I don't wanna comment. Hayaan n'yo po kaming mag-recover muna dahil hindi rin po biro ang mga pinagdaanan namin.”

Pakiusap muli ni Gerald, “Please, please, sana po respect our privacy.”

Kaugnay nito, inihayag ni Boy Abunda sa Aquino & Abunda Tonight ngayong gabi na "seven weeks or so" na raw hiwalay sina Gerald at Maja.

Tumagal ng mahigit dalawang taon ang relasyon nina Gerald at Maja.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagsisimula ng relasyon nina Gerald at Maja noong unang bahagi ng 2013.

Dahil sa relasyon nila ng aktor, nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Maja at ng dati niyang matalik na kaibigan na si Kim Chiu, na ex-girlfriend naman ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gerald Anderson asks the public to respect his and Maja Salvador's privacy after admitting they're "taking a break muna" in their relationship.

Posted by pep.ph on Tuesday, April 14, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN