Maja Salvador still mum about breakup with Gerald Anderson; posts cryptic messages on Instagram

Maja Salvador posts a couple photo (main photo) and sweet birthday message to then boyfriend Gerald Anderson six weeks ago. But at the same time, the actress has been sharing cryptic posts on Instagram prior to Gerald’s announcement that they are "taking a break" from their relationship.


Nananatiling tikom ang bibig ni Maja Salvador, 26, tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson, 26, pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Mismong si Gerald ang nagkumpirma na mayroon silang pinagdadaanang problema ni Maja at nagdesisyon silang maghiwalay muna.

Read: Gerald Anderson and Maja Salvador “taking a break” from their relationship

Ayon pa sa karagdagang ulat ni Boy Abunda sa Aquino and Abunda Tonight noong Martes ng gabi, April 14, “seven weeks or so” nang hiwalay ang magkasintahan.

Ngunit makikita sa Instagram account ni Maja na binati pa niya si Gerald noong magdiwang ito ng kaarawan anim na linggo ang nakararaan.

Sabi pa ni Maja sa caption ng kanyang Instagram post noong March 6: “Happiest birthday to the Man who owns my heart. I’m proud of you pogi.

“Sa lahat ng nangyari at mangyayari pa sayo patuloy lang akong magiging proud sayo. #LoveKitaSabiNgPusoKo [heart emoticon].”

Bukod dito ay mayroong panayam si Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 22, kung saan pinabulaanan ng aktor ang balitang hiwalay na sila ni Maja.

Dito ay nabanggit din ng aktor na hindi isyu sa kanila ang kawalan ng oras sa isa’t isa at pagiging abala nila sa kani-kanilang trabaho.

Sabi pa ni Gerald sa naturang panayam, na nailathala noong March 23: “'Di naman bago 'yan, lagi namang may ganun. Kumbaga, kung sasagutin ko, wala din.

"'Tapos two weeks from now, tatanungin ninyo uli sa akin.

"Masaya kung ano ang mayroon kami ngayon, ine-enjoy namin.”

Read: Gerald Anderson on girlfriend Maja Salvador's sexy dancing in Bridges: "Sexy siya, alangan naman na itatago niya yun... trabaho naman yun."

Sa kabilang banda, mayroong mga paisa-isang Instagram post si Maja na tila nagpapahiwatig na mayroong pinagdadaanan ang Kapamilya actress.

Isa na rito ang ibinahagi niyang love quote seven weeks ago:

“Have you ever wanted to ask a question but you didn’t because you knew in your heart that you wouldn’t be able to handle the answer?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Two weeks ago ay nag-post si Maja ng close-up shot ng kanyang suot na kuwintas na may pendant na susi na may korteng puso.

Mayroon itong simpleng caption na tila nagsasabing sarado ang puso niya ngayon.

Locked 🔑

A photo posted by 💎 MAJA 💎 ❤️InLove❤️ (@iammajasalvador) onMar 29, 2015 at 3:41am PDT

Kasunod nito ay isang screen grab ng inspirational song ni Celine Dion na “That’s The Way It Is” na kasama umano sa bago nilang playlist ng matalik niyang kaibigan na si Cacai Bautista.

#NowPlaying @karrenchua zuckiieee oh! May baBalikan kami ni kiffie @ilovekaye kaya kasama toh sa playlist ulit 😂 #MSescapade 😁🌟💎

A photo posted by 💎 MAJA 💎 ❤️InLove❤️ (@iammajasalvador) onApr 1, 2015 at 1:13am PDT

Hindi nagtagal ay naging tampok ng espekulasyon ang estado ng relasyon nina Maja at Gerald, lalo pa’t magkahiwalay silang nagbakasyon nitong nakaraang Holy Week.

Maging ang kaibigan ni Maja na si Cacai ay mayroong Instagram posts kasama si Maja na nagpapahiwatig na may pinagdadaanan ang huli.

Read: Maja Salvador-Gerald Anderson breakup rumor resurfaces

Hanggang sa aminin na nga ni Gerald na pahinga muna ang relasyon nila ni Maja, sa panayam ng aktor kahapon, April 14.

Sa kabila nito, tila nananatiling positibo ang disposisyon ni Maja na tutok sa trabaho ngayon.

Bukod as kanyang teleseryeng Bridges of Love, panay rin ang post ni Maja ng kanyang bagong single na may pamagat na "Bakit Ganito Ang Pag-ibig."

Ibinahagi rin ni Maja ang isang bahagi ng lyrics ng naturang kanta na nagsasabing: “pwede bang mag tanong sana ay may sagot dapat bang mag hintay sayo Ooohhh bakit? Bakit ganitong pag-ibig puno ng pagdurusa't sakit🎤 #BakitGanitoAngPagibig #MajaInLove ❤️"

Habang si Gerald ay abala sa bagong primetime teleserye sa Kapamilya network, ang Nathaniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN