Ai-Ai delas Alas declares relationship with Gerald Sibayan "closed" to the public

Kasabay ng pagdiriwang nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ng kanilang unang taong anibersaryo, ang pagpirma naman ng una ng dalawang taong exclusive at guearanteed contract sa GMA.


Noong April 12, 2015 ay isang taon na ang relasyon ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

Binati pa nga ang dalawa sa Instagram ng panganay na anak ng Comedy Queen na si Sancho delas Alas: โ€œHappy anniversary sa inyong dalawa!!! Syeeeeeet ang taaaaamis! ๐Ÿ˜๐Ÿ˜‚โ€

Makikita sa Instagram post ni Sancho na naka-pambahay lamang ang tatlo at tila katatapos lamang nilang kumain.

Happy anniversary sa inyong dalawa!!! Syeeeeeet ang taaaaamis! ๐Ÿ˜๐Ÿ˜‚

A photo posted by Sancho De las Alas (@sanchovito) onApr 11, 2015 at 8:33pm PDT

SEPTEMBER 15, 2014. Matatandaang unang umamin si Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanilang relasyon ni Ai-Ai, noong September 15, 2014.

Sa Facebook chat, tinanong ng PEP si Gerald kung matagal na bang naging sila ni Ai-Ai.

Matipid na sagot ni Gerald: โ€œOpo. God bless you.โ€

Ibig sabihin, kung April 12 ang kanilang anniversary, anim na buwan na ang kanilang relasyon noong panahong yun.

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Halos 30 years ang age gap nina Ai-Ai, 50, at Gerald, 21.

Pero sinabi ni Ai-Ai sa panayam pa rin ng PEP noon na, "Ang pag-ibig naman, wala โ€˜yan sa edad, e."

Read: Ai-Ai delas Alas on 30-year age gap with boyfriend Gerald Sibayan: "Ang pag-ibig naman, wala โ€˜yan sa edad, e."

Samantala, ngayong araw, April 16, ay pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA Network si Ai-Ai, matapos ang labing-apat na taon nito sa ABS-CBN.

Read: Ai-Ai delas Alas signs two-year exclusive contract with GMA Network

Dito ay kinumusta at binati ng press si Ai-Ai para sa anniversary nila ni Gerald.


Ngunit ayon sa Comedy Queen, bagamat masaya pa rin ang kanyang lovelife ay gagawin na niya itong pribado.

Saad niya, "Siyempre, nandiyan din ang aking lovelife and thank you kay darling ko.

"Pero dito sa paglipat ko, dito sa Kapuso, I declare that my private lovelife is closed.

"Ang aking lovelife ay closed na po. It will remain private.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na siya for public consumption. Ano na lang, private na lang.

"Pero yung aking personal life, like yung family ko, bukas na bukas pa rin yun para sa lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN