Ai-Ai delas Alas considers Kris Aquino "a former friend"

Ai-Ai delas Alas’s message to bashers: “Hindi naman lahat ng tao, gusto ka, ‘di ba? Meron tayong quotation na: ‘I don’t have time for the people who hate me, because I’m busy loving people who love me.’”


“A former friend and a former roommate.”

Ito ang deskripsiyong ibinigay ni Ai-Ai delas Alas para sa dating matalik na kaibigan at dating kasamahan sa ABS-CBN na si Kris Aquino.

Sa presscon na inihanda ng GMA Network para sa pagbabalik-Kapuso ni Ai-Ai ngayong Huwebes ng umaga, April 16, ay inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Gorgy Rula kung may kinalaman ba si Kris sa pag-alis ng Comedy Queen sa ABS-CBN.

Matatandaang nagkaroon ng matinding tampuhan ang dalawa noong kapwa pa sila nasa bakuran ng Kapamilya network.

Read: Ai-Ai delas Alas no comment on "friendship" with Kris Aquino

Nagkabati ang dalawa na lapitan ni Kris si Ai-Ai sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Read: Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas kiss and make up at DongYan wedding

“Nakakaloka ‘yang tanong mo na iyan!” natatawang reaksiyon ni Ai-Ai sa tanong ni Gorgy sa kanya.

Humahalakhak pa rin niyang dugtong, “Ano yung gusto mong isagot ko, oo… hindi, joke lang!”

Ngunit ipinaalala ni Ai-Ai na nagkabati na nga sila ni Kris sa kasal nina Marian at Dingdong.

“Yun na ‘yon, nagkabati na kami,” sabi niya.

Pero bumalik na ba sa dati ang friendship nila?

Sagot ni Ai-Ai, “Siyempre, iba na ngayon.

“Dahil unang-una, hindi na kami roommates, magkapitbahay na lang kami.

“Kasi nandito na ako [sa GMA], nandoon pa siya [sa ABS-CBN].”

Dagdag pa niya, “Ganun naman yun, e. Hindi naman lahat ng tao ano, ‘di ba?

“Minsan kasi, meron na tayong kanya-kanyang priorities.

“Ako kasi, priority ko to be happy, ayoko na yung may mga may kaaway, ayoko na yung may mga negativity.”

Does she still consider Kris a friend?

“A friend… hindi nasagot!” tawa ni Ai-Ai nang hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong.

Pero kalaunan, sabi niya, “Siguro ano na lang… a former friend and a former roommate.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSONS IN FRIENDSHIP. Ano ang natutunan niya pagdating sa pakikipagkaibigan pagkatapos ng mga pinagdaanan niya?

Pahayag ni Ai-Ai, “Kagaya naman ng lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay ko, hindi lang sa friendship, sa love, wala naman akong resentment sa ganun.

“Parati ko lang sinasabi, kung meron mang hindi magandang nangyari, lahat ‘to ay may reason, at lahat ‘to ay may lessons kang matututunan.”

Ang talent manager ni Ai-Ai ay si Boy Abunda, na isa naman sa pinakamalapit na kaibigan ni Kris.

Hindi ba nagkakaroon ng conflict sa parte ni Boy kung paano ang magiging pakikitungo nito sa kanila ni Kris?

Sabi ni Ai-Ai, “Hindi naman namin pinag-uusapan ‘yon.

“Ang pinag-uusapan lang namin, career ko and yung friendship namin ni Ama… personal, hindi.”

Sa katunayan, si Boy raw ang nag-asikaso ng kontrata ni Ai-Ai para sa paglipat niya sa GMA.

“Kasi si Boy naman, may relasyon kaming… ama, mag-ama kami.

“Kumbaga, bilang friendship… para kaming magkamag-anak.

“Ang sabi lang niya sa akin, ‘O, eto na ‘yan, pasalamat tayo…’”

Dagdag pa ni Ai-Ai, “And, of course, siyempre magpapasalamat ako sa Panginoon na hindi Niya ako pinapabayaan… never talaga.

“Kumbaga, blind faith ‘to, kung saan Niya ako dalhin… siguro dito Niya ako dinala kaya pagbubutihan ko.

“At bukod dun, ayoko na nga yung meron akong iniisip na hindi maganda sa kapwa. Kasi hindi maganda ‘yon.

“Maganda yung masaya lang tayo lahat.

“Pagkatapos, wala akong naaagrabyado, I think lahat magiging positive.”

Naramdaman ba niyang naagrabyado siya—sa trabaho man o pakikipagkaibigan? Paano niya ito na-handle?

Sagot ni Ai-Ai, “Siguro, with flying colors.

“Kasi hindi ko naman iniisip yung hindi maganda.

“Sabi ko nga, lahat ay mayroon tayong lessons na natututunan.

“At kung anuman yung natutunan natin na aral dun sa nangyari sa buhay natin, huwag na nating balikan, at itama natin.”

FRIENDS IN SHOWBIZ. Sino ang itinuturing niyang best friend ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ai-Ai, “Marami naman akong best friends…

“Sa showbiz, yun pa rin, sina Arnell [Ignacio], sina Allan K, yung mga barkada kong pari…

“Of course, ang aking mga artistang friends, nandiyan ang aking kambal, si Marian.

“O, ngayon, nadoble na, kasi may asawa na siya, so siyempre magiging super friends ko na rin si Dingdong], ‘di ba?

Si James Yap?

“Oo, super friends kami nun!” bulalas ni Ai-Ai.

NEGATIVE ISSUES. Sa estado raw ngayon ng kanyang personal na buhay at career, wala nang puwang para kay Ai-Ai ang mga negatibong bagay.

Saad niya, “Alam mo, yung mga ganyang issue, hindi naman natin ‘yan maaasahan, ‘di ba?

“If there’s positivity, may mga tao pa ring mga nega.

“So, ako, ang hashtag ko ngayon ay ‘no to negatrons.’ Bawal ang mga nega.

“So, yung mga ganun, hindi na natin maaalis na minsan may nasasabi yung tao, depende na lang sa ‘yo how you will react.

“Ganun naman ang tao, may masasabi’t may masasabi.

“Ang masaya, busy ako, loving people who love me.”

Ano ang mensahe ni Ai-Ai sa kanyang bashers?

“Hindi naman lahat ng tao, gusto ka, ‘di ba?

“Meron tayong quotation na: ‘I don’t have time for the people who hate me, because I’m busy loving people who love me.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN