Vice Ganda on rumor linking him to Mr. Chinatown winner: "Ayokong pinag-uusapan ang lovelife ko, nakaka-teen star!"

Vice Ganda on harsh comments of some netizens: "Kung tungkol sa akin, nauunawaan ko, alam ko kung saan sila nanggagaling, kung ano ang ikinabubuwisit nila. Ang babaw-babaw lang naman ng issue ng iba, pero parang galit na galit sila. Parang papatayin nila ang kapwa nila. Kung makapagsalita sila sa mga comments nila, ang lalala! Kaya sabi ko, there’s so much cruelty sa social media."


Ayaw magsalita ni Vice Ganda tungkol sa pagkaka-link niya sa Mr. Chinatown 2014 winner na si Kurt Joshua Ong.

Nagsimula ang pagkakaugnay ng dalawa dahil na rin sa pambubuking ng matalik na kaibigan ni Vice na si Coco Martin nang mag-guest ang aktor sa Gandang Gabi Vice kamakailan.

Ayon sa clues na ibinigay ni Coco, ang bagong karelasyon ni Vice ay “Chinese” at galing sa isang “pageant.”

Read: Coco Martin gives clues on Vice Ganda’s current lovelife: "Chinese-Chinese... mula sa isang pageant."

Ngunit sabi ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam mo, ayoko nang pag-usapan ang katsipan na ‘yan.

“Saka palagi na lang tungkol sa lovelife ko.

“Mas maraming bagay ang mas relevant sa akin kaysa dun sa lovelife ko.

“Ayokong pinag-uusapan ang lovelife ko, nakaka-teen star!

“Saka baka ang mga tao, utang-uta, ‘Ano ba ‘yan, palagi na lang lovelife?!’”

Pero pag-amin ni Vice, “Basta, I’m happy… I hope everyone is happy for me.”

MESSAGE FOR BASHERS. Naging usap-usapan din sa social media ang pagrampa ni Vice na naka-swimsuit sa Miami, Florida.

View: Vice Ganda struts in Miami in skimpy swimsuit

Sabi ni Vice tungkol dito, “Nagtataka ako kung bakit sila nagulat, e, ilang beses na akong nagsu-swimsuit sa Showtime.

“Nag-swimsuit na ako sa pelikula, sa concert ko.”

Ipinaliwanag din ni Vice ang Instagram at Twitter posts niya tungkol sa pangba-bash na ginagawa ng netizens sa social media.

Read: Vice Ganda slams social media bashers anew

Saad niya, “Actually, yung post ko na na yun, hindi lang para sa mga bashers ko.

“Kasi yung panahon na yun, wala naman akong bashers.

“May mga binabasa lang ako na mga articles, mga blogs tungkol sa kung saan-saan.

“Tapos ‘pag binabasa ko ang mga comments—hindi tungkol sa akin kundi sa ibang tao—ang papangit ng comments ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Bakit ganito ang comments ng mga tao? Parang lagi silang galit?’

“Yung komento ko na yun, yung opinyon ko na yun, in general, hindi lang para sa akin.”

Dagdag pa ni Vice, “Kung tungkol sa akin, nauunawaan ko, alam ko kung saan sila nanggagaling, kung ano ang ikinabubuwisit nila.

“Ang babaw-babaw lang naman ng issue ng iba, pero parang galit na galit sila. Parang papatayin nila ang kapwa nila.

“Kung makapagsalita sila sa mga comments nila, ang lalala!

“Kaya sabi ko, there’s so much cruelty sa social media.

“Kaya tinanong ko ang mga followers ko, ‘Are you one of them?’

“Para ‘pag nabasa mo yun, ma-realize mo, ‘Ako kaya ‘pag nagko-comment ako, ‘pag nagpu-post ako sa social media, ganun din kaya ako na ang papangit ng sinasabi ko, puro poot ako sa kapwa?’

“Kasi dapat ang social media, ini-enjoy natin.

"Ang intensiyon nun ay para makahanap ka ng bagong mga kaibigan sa Facebook.

“Pero ngayon, imbes na lumalaki ang mga magkakaibigan, nag-aaway-away ang mga tao.”

CONCERT. Abala rin ngayon si Vice para sa nalalapit niyang major concert sa Smart-Araneta Coliseum, ang Vice Gandang Ganda Sa Sarili… Sa Araneta! Edi Wow!!!

Sabi ni Vice, “May 22… ito, sagsagan na.

“Kagabi [April 15], nag-meeting kami agad pagdating na pagdating ko. Magre-rehearse na, kaya excited.

“Maganda naman ang takbo ng tickets.”

Ano ang mga aabangan sa kanyang concert?

Sabi ni Vice, “Marami, kasi lahat ng production numbers ko, major. Lahat akala mo opening, kaya kaabang-abang.

“Abangan ninyo kung ano ang mangyayari, kasi ito yung first time na mangyayari sa concert scene, na mangyayari sa Pilipinas na ang concert scene, nasa gitna ng Araneta.

“Walang LED na makakatakip sa mga tao. Kitang-kita ako ng lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN