Chynna Ortaleza and Mike Tan relate how Marian Rivera revealed her pregnancy to her The Rich Man’s Daughter co-stars

Chynna Ortaleza on Marian Rivera: “She’s really very inspiring. Mabait siya, matsika, inaalagaan niya kaming lahat sa set. Talagang very nurturing siya. Motherly siya as a woman. Kaya happy din ako for her na she finally has an answered prayer."


Bago pa man isapubliko ni Marian Rivera, at ng mister nitong si Dingdong Dantes, ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay nauna nang ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen ang tungkol dito sa ibang cast at staff ng upcoming primetime teleserye ng GMA Network, ang The Rich Man's Daughter (TRMD).

Ito ang pahayag ng co-stars ni Marian na sina Mike Tan at Chynna Ortaleza sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng PEPtalk shoot para sa nabanggit na teleserye, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, Huwebes ng gabi, April 16.

Lahad ni Mike, “Ang pinaka nakaka-touch dun, talagang mineeting niya kami sa isang room sa mall show namin.

“Sabi niya, kasi nga, since we are part of TRMD and family ang turing niya sa amin, gusto niyang isa kami sa mga makaalam na buntis siya.

“Quiet lang daw, pero nagsigawan kami sa loob!”

Napasigaw raw sila sa naturang closed-door meeting dahil sa sobrang katuwaan na magkakaroon na ng saring pamilya sina Marian at Dingdong na ikinasal noong December 30, 2014.

Dugtong ni Chynna, “Quiet kami pero napasigaw kami, kasi we're all very excited for her and also Dingdong, kasi napakalaking blessing sa kanilang mag-asawa.”

Nauna nang naiulat ng PEP na dalawang buwan nang buntis si Marian, ngunit ni hindi umano kinakitaan ng kakaibang kilos ang Kapuso Primetime Queen nang magsimula itong mag-taping para sa The Rich Man's Daughter noong March 11.

Read: Marian Rivera and Dingdong Dantes announce they're having a baby!

Sabi ni Chynna, “We didn't even noticed that she was pregnant during the time that we were starting to tape.

“And she's working until, what, two in the morning.

"Ang bigat ng scenes niya [but] we never see a trace of her getting uncomfortable or anything."

Sa presscon ni Marian para sa isang brand endorsement noong April 14, kinumpirma niyang tuloy pa rin ang taping niya para sa The Rich Man's Daughter, basta't huwag lang siyang masyadong mapuyat at sumobra sa mabibigat na eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Desidido rin siyang patuloy na magtrabaho, pero hindi pa sigurado kung matatapos niya ang buong season ng programa o kakailanganin niyang mag-leave of absence.

Read: Marian Rivera to continue working even while she's pregnant: "In fairness sa GMA, compromise naman kami."

Hiningan ng PEP ng reaksiyon sina Mike at Chynna kung handa sila kung sakaling hindi matapos ni Marian ang kanilang teleserye.

Sabi ni Chynna, “We're all for her well-being siyempre. We understand naman.”

Dagdag pa ni Mike, “Ano ba naman yung trabaho sa bata?”

Kung anu't ano pa man, naniniwala sila na si Marian ang nakakaalam kung ano ang magiging desisyon sa aspetong ito.

Sabi ni Chynna, “She's very professional and she really wants to finish the series. Depende na lang talaga kung anong mangyayari.”

Singit pa ni Mike, “Kami kasi, kung anong pinakamaganda for her, dun tayo su-support.”

Matagal nang gustong makatrabaho ni Chynna si Marian, ngunit ngayon lang nagkaroon ng oportunidad na magkasama sila sa isang teleserye.

Paglalarawan pa niya sa Kapuso Primetime Queen, “She's really very inspiring. That's why you understand she is Marian Rivera.

“Mabait siya, matsika, inaalagaan niya kaming lahat sa set.

“Talagang very nurturing siya. Motherly siya as a woman.

"Kaya happy din ako for her na she finally has an answered prayer."

Ikinatuwa naman ni Mike na bagamat walong taon na ang lumipas mula nang magkatrabaho sila ni Marian sa Marimar, mabilis lang silang nagkapalagayang-loob sa proyekto nila ngayon.

“Parang kalimutan mo na na siya si Marian dahil ang turing niya sa 'yo, parang kaibigan niya or kapatid niya.

“Tapos matutuwa ka, everytime nagte-taping kayo, nagpro-progress yung relationship niyo.

"Tapos magugulat na lang kayo, ang sweet nga, e, bigla ka na lang bibigyan ng chocolate.

“Alam mo yung simple things, pero sobrang wow.

"Kasi parang for the longest time, ngayon lang ulit kami nagkatrabaho,” saad ng 28-year-old Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat wala pang eksaktong petsa kung kailan ipalalabas ang The Rich Man's Daughter, inaasahang ieere ito sa primetime block ng GMA sa Mayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN