Jay-R comfortable about his R&B King title: “It’s pretty fit naman.”

Halos linggu-linggo ay pinupuri ang performance ni Jay-R sa Your Face Sounds Familiar. Ayon sa R&B King, niri-research niyang mabuti ang kilos, tunog, at galaw ng bawat artist na kailangan niyang i-impersonate sa show.


Kumportable raw ang singer na si Jay-R sa titulong "R&B King" na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

Simula nang lumipat si Jay-R sa Kapamilya network, mula sa GMA Network, ito na ang naging bansag sa kanya.

Sabi ng singer, “Yes, comfortable ako with the R&B King title, yeah.

“Yun ang genre ko, e. Yun ang kinakanta ko, mga R&B.

“Yun ang mga ginagawa kong music so, you know, it’s pretty fit naman.”

Ayon sa 34-year-old singer/record producer, sobrang masaya siya sa kanyang paglipat.

“I am very, very happy sa ABS-CBN.

"They gave me very great opportunity and I am so happy talaga and very grateful."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R sa grand opening ng Treehouse Café, kung saan isa siya sa mga nagmamay-ari, sa Makati City, noong Biyernes, April 17.


YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR. Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Jay-R ay ang Your Face Sounds Familiar, kung saan linggu-linggo ay pinapurihan ang kanyang performances.

Last week, umani ng papuri si Jay-R dahil sa kanyang pag-i-impersonate sa American rock legend na si Alice Cooper,

At maging si Alice Cooper ay napansin ang performance ni Jay-R.

Read: Rock star Alice Cooper encourages followers to watch impersonation done by Jay-R

Pahayag ni Jay-R tungkol dito, “Oo nga, e, natuwa nga ako dun.

"Alice Cooper pa... it's really good to know na yung icons mismo, nare-recognize yung ginagawa naming mga performances.”

Paano niya pinaghahandaan ang kanyang bawat performance?

Tugon ni Jay-R, “Research lang talaga. Importante yung ready ka at inaalam mo yung character mo.

“Pinapanood mo yung mga galaw nila, pinapakinggan mo yung boses.

“So, babad lang talaga sa research.”

Wish niya raw ngayong manatiling maganda ang kanyang record hanggang sa huling bahagi ng Your Face Sounds Familiar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN