Kristoffer Martin on rekindling romance with ex-girlfriend Joyce Ching: "We’re open to possibilities."

Kristoffer Martin says how he is being pushed by co-workers towards reconciliation, "Ang daming nasasayangang co-artists namin. Sinasabi nila, ‘Sayang kayo ni Joyce.’ Dun ako napapaisip."


Inamin ni Kristoffer Martin na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend pagkatapos ng ilang buwang pagkakamabutihan nila.

Minsan nang naikuwento ng Kapuso actor na ka-schoolmate niya sa San Beda College ang dine-date niya noong nakaraang taon.

Read: Kristoffer Martin taking it slow with non-showbiz girl

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng lovelife niya ngayon, nilinaw ni Kristoffer na single na ulit siya.

"Nagkaroon ako ng girlfriend, pero ngayon wala.

“Non-showbiz [siya], sa school [ko nakilala]. Ngayon lie low [muna ang lovelife].

“Pero yun nga, yung non-showbiz, nagkikita pa rin naman kami,” paglilinaw ni Kristoffer.

Nakapanayam ng PEP si Kristoffer pagkatapos ng PEPtalk shoot na ginanap sa Executive Lounge ng GMA Network Center noong Huwebes, April 16.

Dito ay inamin ng Kapuso actor na apat na ang kanyang naging karelasyon, ngunit ang kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching ang tanging tumagal ng “two years and eight months.”

Bunsod nito ay hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon kung posibleng magkabalikan sina Kristoffer at Joyce, lalo na ngayong balik-tambalan sila sa upcoming GMA Network soap na Healing Hearts.

Mismong ang Kapusoa actor ay aminado na marami sa kanilang katrabaho ang nagsasabing bagay sila, dahil kahit na magkaiba ang kanilang personalidad ay nagkakasundo sila.

“Actually, siya yung light, ako yung mabigat.

“Yun nga, ang daming nasasayangang co-artists namin.

"Sinasabi nila, ‘Sayang kayo ni Joyce.’ Dun ako napapaisip.

"Well, oo nga, kumbaga nung time namin, first time kong as in magseryoso, as in magbago ng legit for a girl para ma-preserve yung relationship.

“She made me a better person.

"Longest [relationship] ko siya so far,” lahad ng 20-year-old actor.

Ayon pa kay Kristoffer, nanumbalik ang magandang samahan nila ni Joyce mula nang magsimula silang mag-taping para sa nabanggit na teleserye.

Ngunit agad din niyang nilinaw na “hindi pa” sila nagkakabalikan ni Joyce at ine-enjoy muna nila ang kanilang magandang samahan sa likod at harap ng kamera sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Kristoffer ukol dito, “Isa lang naman yung sinasagot naming dalawa.

“We’re open to possibilities.

"Kung ngayon, hindi namin oras, malay mo after five years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN