Jasmine Curtis-Smith on possible reconciliation with Sam Concepcion: "If it’s meant to happen, it will happen."

When asked if she’s closing any possibility of having a second chance at love with ex-BF Sam Concepcion, TV5 star Jasmine Curtis-Smith replied: “I think it’s better to have an open mind about everything in life, because that’s when you can understand yourself better, you can grow to be more mature...”


Ayon kay Jasmine Curtis-Smith, subsob siya sa kanyang career ngayon at wala siyang lovelife.

Ayaw raw niyang palampasin ang magagandang pagkakataong ibinibigay sa kanya sa showbiz.

Dahil nabanggit na rin lang ang lovelife, inusisa ang TV5 actress kung open ang communication nila ng ex-boyfriend na si Sam Concepcion kahit nag-break na sila.

February ng kasalukuyang taon nang makumpirma na hiwalay na sina Jasmine at Sam.

Read: Jasmine Curtis-Smith and Sam Concepcion break up

“Yeah. If there is any need for it, it's open,” maiksing sagot ni Jasmine sa press conference ng dance competition show ng TV5, ang Move It! The Epic Dance Clash of the Streetdancers, na ginanap nitong Miyerkules, April 22.

Nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan si Jasmine nitong April 6.

Tanong ng PEP: Binati ba siya ni Sam?

“Yes, yes,” tugon ni Jasmine.

Iginiit din ng TV5 Princess na kahit noong sila pa ni Sam, nasa kanilang dalawa lagi ang pagdedesisyon at hindi sila nagpapaimpluwensiya sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Lumabas kasi ang isyu noon na isa umano sa mga dahilan ng pakikipag-break ni Jasmine kay Sam ay dahil kulang daw ang effort ng singer-actor sa pagri-reach out sa ate ng dalaga na si Anne Curtis.

Ayon kay Jasmine, nakikinig man sila sa mga opinyon ng mga taong malalapit sa kanila, nasa kanila pa rin ni Sam ang huling desisyon.

Kahit ang kanyang Ate Anne, binibigyan daw siya ng kalayaang magdesisyong mag-isa.

“Ang maganda din with Ate, she just kind of asks me, 'Are you sure? Is that really what you want to do? Why?'

"Pinapaisip niya lang ako sa decisions ko so that mapu-form ko 'yon on my own, rather than siya."


OPEN TO POSSIBILITIES. Ngayong open ang komunikasyon nila ni Sam, tinutuldukan na ba ni Jasmine ang posibilidad na magkabalikan sila?

Tugon niya, “Like I said, hindi naman ako naglalagay ng tuldok sa mga bagay na ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Things change, people change.

"So, I think we just have to wait and see what God has planned for us and for myself, or for when God's right time is for things like that.

“If it's meant to happen, it will happen.

“Pero I think it's better to have an open mind about everything in life, because that's when you can understand yourself better, you can grow to be more mature, about how you think, about stuff like that.

"So, I'm trying to be very open-minded."


GIVING HER ALL. Puspusan naman daw ang dedikasyon ni Jasmine sa kanyang trabaho, lalo pa't magaganda ang oportunidad na naibibigay sa kanya.

“I wanna make sure I gave all of it and I gave my all kasi sayang ang opportunities.”

Ganito raw ang dedikasyon ni Jasmine, kaya kahit may pinagdadaanan, importante ang pagiging professional sa trabaho.

“It's inevitable na may pagdaanan ka, whether family, relationship, friends, or even crisis at work, dapat alam mo, 'Okay, this is work.'

“At the end of the day, when I go home, 'Paano ako magiging masaya kung alam kong pinetiks ko lang ang trabaho ko, like academics, work, and life in general?'”

Paano ang attitude niya sa trabaho kung may dinadala siyang problema?

Saad ni Jasmine, “Because, I think, you should know how to separate your work life from your personal life.

“No matter what you're going through, you should be able to really don't give yourself half-ass to your job, because you're being paid to do and being trusted to do and perform well.

“You have to commit to that and you have to show, 'I'm worth your time, your money, and your trust. And if you want more from me, or if I want more jobs from you, I have to perform well.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And show them that I can give you my 100 percent even if I'm going through something.”

Samantala, marami raw naituro kay Jasmine ang hinu-host niyang dance competition show sa TV5, gaya ng kanyang dance moves.

“This show has really become something that I've loved, given my entire dedication.

“We've become really great friends with everyone; cameramen, production staff.

"So it's been such a great experience doing this show.

“Sana magka-season two,” ani Jasmine.

Gaganapin ang final showdown ng Move It! The Epic Clash of the Streetdancers sa April 26, Linggo, 8 P.M., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN