Vice Ganda on Kurt Ong: "Hindi ko talaga dyowa yun, I swear!"

Bagamat may pressure na nararamdaman, bongga raw ang mga pasabog ni Vice Ganda sa kanyang nalalapit na concert sa Araneta. Sabi pa niya, “Mamaya huli na ‘to, kaya ibibigay ko na.”


Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Vice Ganda para sa kanyang major concert na Vice Gandang Ganda Sa Sarili… sa Araneta! Edi Wow!

Gananapin ito sa Smart-Araneta Coliseum sa May 22.

Noon nga raw nasa Amerika siya ay nag-meeting pa sila para sa kanyang concert.

Kuwento ni Vice, “Noong nasa New York kami, kasi nandoon kami, dun kami nag-meeting ng staff.

“Tapos nag-meeting sila, sabi nila, ‘Ay, ang saya nito, four prods lang!’

“’Di ba, ang concert, prod, prod, prod...

“Sabi nila, ‘Ay, ang saya nitong concert mo, kasi apat lang na prod.’

“Tapos after nilang mag-meeting, na-realize nila na, apat nga na prod, pero puro major prods lahat.

“Parang lahat daw, opening. Kaya na-stress sila.

“E, sa concert daw, marami raw prods, pero highlight lang yung opening.”

Sa tuwing may concert si Vice ay palagi rin siyang hinahanapan ng mas bonggang pasabog. Alam naman daw ito ng comedian-TV host.

Sabi niya, “Oo, dati-rati, ilan lang naman kaming gumagawa ng mga agaw-buhay concerts. Yung iba, usual kantahan.

“Pero ngayon, ang dami nang gumagawa. Kahit hindi komedyante, nagpapakamatay na sa ere.

“Siyempre, may pressure. Siyempre, ibibigay ko yun, ‘no!

“Mamaya huli na ‘to, kaya ibibigay ko na.”

Bakit naman niya nasabing “huli na”?

Paglilinaw ni Vice, “Hindi… ibig kong sabihin, malay mo, huli na ‘to.

“Hindi naman natin alam, ‘di ba? Sabi nga, perform as if it’s your last.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa pocket presscon niya kagabi, April 22, sa Kanin Club, Tomas Morato, Quezon City.

SPECIAL GUESTS. May special guests daw si Vice sa kanyang concert, pero hindi pa lang nila ina-announce.

Ang ilan lang sa nabanggit muna ni Vice ay sina James Reid, Vhong Navarro, at Billy Crawford.

May espesyal bang tao na gusto niyang manood ng kanyang concert?

“Siyempre, lahat naman espesyal!” bulalas ng It’s Showtime host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero natatawang dugtong din niya, “Dyowa ba ang tinutukoy mo? Wala! O, e, di tapos!”

Darating ba sa concert niya ang nababalitang boyfriend daw niya ngayon?

Sagot naman ni Vice, “Sino ba yung nasusulat? Si Kurt [Ong]?

“Darating siya, manonood siya, at kasama niya yung family niya.

“Pero hindi ko dyowa yun, ano ba!”

Read: Coco Martin gives clues on Vice Ganda’s current lovelife: "Chinese-Chinese... mula sa isang pageant."

Hindi naman siya talaga umaamin kung sino ang boyfriend niya, hindi ba?

Natatawang sagot niya, “E, di kapag inamin ko, may itatanong pa ba kayo? E, di wala na!”

Ngunit giit ni Vice tungkol kay Kurt, “Pero hindi ko talaga dyowa yun, I swear!”

ALEX GONZAGA’S CONCERT. Bago ang concert ni Vice, ang kaibigan niyang si Alex Gonzaga muna ang magko-concert sa Araneta sa Sabado, April 25.

Tiniyak ni Vice na manonood siya ng concert ni Alex.

“Pupunta ko sa concert ni Alex.”

Sa palagay ba niya ay mapupuno ni Alex ang Araneta katulad ng nagawa niya?

Sagot ni Vice, “Ay, magkaiba kaming tao. Yung mga na-achieve ko, iba ang maa-achieve ni Alex.

“Kasi si Alex, hindi naman siya yung next Vice Ganda, siya ang first Alex Gonzaga.

“She will never be the next of everyone.

“Magaling po ‘yang si Alex.

“Noon ko pa sinabi, pati sa management, na Alex is the next big thing.

“Lalo na sa comedy. Nakakaaliw siya.

“Kahit sa pagkanta, may talent siya. Pine-playtime lang talaga niya ang kanta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN