Kris Aquino admits she’s partly to blame for The Buzz cancellation

Umamin si Kris Aquino na siya ang malaking dahilan kung bakit nagpaalam na ang The Buzz sa ere. Kaugnay nito, lumutang ang balitang may mga staff ng naturang show na masama ang loob sa Queen of All Media.


Inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na “partly to blame” siya sa pamamaalam ng The Buzz matapos ang halos labing-anim na taon nito sa ere.

April 5, 2015 ang huling episode ng longest-running showbiz talk show ng ABS-CBN, at ikinagulat ito ng marami.

Sa farewell message ni Boy Abunda, ang original host ng show, sinabi nitong may mga kailangang i-level up ang showbiz reporting.

Ito ay alinsunod na rin sa mabilis na pagyabong ng social media na kailangang sabayan ng show.

Read: The Buzz goes off air after almost 16 years


“I OWN UP TO IT.” Kahapon, April 23, sa ulat ng TV Patrol, sinabi ni Kris na maaaring isa siya sa mga dahilan ng pagtiklop ng The Buzz.

Ikinuwento niya na nitong nakaraang New Year’s Eve, nakatanggap siya ng text mula sa kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Hiniling daw ni PNoy sa kanya na bakantehin ang araw ng Linggo para sa pagtitipon ng kanilang pamilya.

Noong mga panahong yun, apat na buwan daw kasing sunud-sunod na hindi nakadalo ang dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby sa Sunday family gathering nila, dahil sa hectic schedule ng TV host-actress.

At dahil tapos na rin ang kanyang kontrata sa ilang palabas sa Kapamilya network, kabilang na ang kanyang weekly obligation sa The Buzz, nagpaalam daw si Kris sa management na hindi na muna siya maghu-host ng nasabing showbiz talk show.

Nagkataon naman daw na humingi rin ng leave ang isa pang co-host ng show na si Toni Gonzaga, dahil kailangan na nitong tutukan ang nalalapit niyang pagpapakasal sa longtime boyfriend na si Paul Soriano.

Kuwento pa ni Kris sa ABS-CBN reporter na si Marie Lozano, "Honestly, I am to blame, and I own up to it.

"Ako lang naman ang aalis, e, pero it just so happens na may pinaalam din si Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everything fell into place, and unfortunately nga, si Boy ang nalungkot, and I felt so guilty...

"Nag-sorry naman kami [ni Toni]."

DISGRUNTLED STAFF? Nitong nakaraang April 18, may lumabas sa tabloid na diumano'y may ilang staff ng The Buzz ang masama ang loob kay Kris.

Ayon pa sa column ni Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon, may nakausap daw siyang staff ng The Buzz na naglabas ng kinikimkim nitong sama ng loob laban sa Queen of All Media.

Gaya ng pahayag ni Kris, sinabi rin daw ng naturang staff na ayaw nang magtrabaho ng TV host-actress tuwing Sunday.

Dagdag pa raw ng kanyang kausap, na nagtrabaho sa The Buzz sa loob ng halos sampung taon, “Kasi wala naman siyang emotional investment sa show. Host lang naman siya.

“Hindi siya ang naghahanap ng mga story na eere o ng mga topic na pag-uusapan. Darating lang siya para magpaayos, tapos ayun na.”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit walang naramdamang lungkot si Kris nang nagpaalam na si Boy sa mga manonood ng The Buzz.

Ayon pa sa source ni Salve, “Kitang-kita naman sa monitor na habang nagpapaalam si Tito Boy, naka­ngiti pa siya. Nang mag-commercial gap, sabi niya kay Toni, ‘Toni, yung mga pasasalamatan mo.’”

Hindi man lang daw naisip ni Kris na hindi lahat ay katulad niya na hindi nangangailangan ng trabaho.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan magkakaroon ng bagong Sunday talk show ang ABS-CBN.

Ang nakarating lang na balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay matagal pa raw ito.

Balita ring baka isang game show muna ang ipalit sa nabakanteng timeslot ng The Buzz, pero hihintayin muna raw ng management na umere ang bagong show ni Willie Revillame sa GMA Network na Wowowin.

Oobserbahan pa raw kasi kung maganda ba ang reception ng audience sa panghapong game show ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN