Inah Estrada hurt by talks about mom Janice de Belen and Gerald Anderson

Inah Estrada is protective of her estranged parents, Janice de Belen and John Estrada, saying her dad "is a giving person." And if she has any say in the matter, she’d rather that her mom stay single.


“I don’t have any reaction to that. I actually don’t know anything about that.”

Ito ang tugon ni Inah Estrada nang hingan ng reaksiyon tungkol sa isyung ang kanyang inang si Janice de Belen daw ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Nabuhay rin muli ang isyung nagli-link kina Janice at Gerald.

Read: Janice de Belen reacts to rumored romance with Gerald Anderson

Sabi pa ni Inah tungkol sa isyu, “Basta sila na yun… I don’t wanna get involved right now on that."

Sa kabila nito, inamin ng young actress na nasasaktan siya at nao-offend sa paratang na ibinabato sa ina.

“Of course, you know, there will always be people who will have that idea, ‘A, there’s maybe something.’

“Sila yun, e, you can’t control people’s mind about things.”

Ang mahalaga raw ay alam mong wala kang ginagawang masama sa kabila ng iniisip ng ibang tao tungkol sa iyo.

Ayon pa kay Inah, hindi nila napag-uusapan ng kanyang ina ang tungkol sa isyu.

“No, actually no. We don’t talk about it.”

Inamin naman ni Inah na nakilala niya na nang personal si Gerald.

“Yeah, oo naman, na-meet ko na siya, of course.”

Nag-umpisa ang bulung-bulungan tungkol sa pagiging malapit nina Janice at Gerald nang magkasama sila sa teleserye ng ABS-CBN na Budoy (2011-2012), kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

Namatay ang isyu nang matapos ang kanilang teleserye. Ngunit nabuhay itong muli nang pumutok na ang hiwalayan nina Gerald at Maja kamakailan.

Read: Gerald Anderson and Maja Salvador “taking a break” from their relationship

PROTECTING MOM. Kung si Inah daw ang masusunod, gusto niyang huwag nang pumasok sa panibagong relasyon ang kanyang ina, lalo’t kung makikita niyang masasaktan lang ito.

Pero kung saka-sakaling magmahal muli ang ina, isyu kaya kay Inah kung sa mas bata mahuhulog ang loob ng kanyang mommy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “The last boyfriend she has was younger than her.

“If she loves someone and if, for example, that person is younger than her, there’s nothing wrong with that.

“Just as long as nirerespeto ang mom ko and that he shows us na mahal niya talaga ang mom ko.

“That’s the answer for that, yun lang naman ang kailangan.”


DEFENDING DAD. Samantala, matagal din bago naayos ang hinaing noon ni Janice na kulang daw ang sustentong ibinibigay ng dating asawa na si John Estrada sa kanilang mga anak.

Si John ang ama ni Inah.

Pahayag naman ng asawa ni John ngayon na si Priscilla Meirelles, hindi nagkukulang sa pinansiyal na obligasyon ang mister pagdating sa mga anak nito kay Janice.

Iwas magbigay ng komento tungkol dito si Inah, ngunit ipinagtanggol pa rin nito ang ama.

Sabi niya, “I cannot answer that kasi, as much as possible, I don’t want drama.

“It’s them na lang siguro whatever goes on with that.

“Now, I’m just glad that all of them are okay.

“My dad is a very giving person, so ayun, nagbibigay naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN