President Noynoy Aquino when asked if he’s still dating Pia Wurtzbach: “Secret.”

Hindi na raw masyadong naiisip ng Pangulong Noynoy Aquino ang usapin tungkol sa pag-aasawa. Nagbiro naman ang solterong Pangulo na kung sakaling mag-asawa siya at magkaanak, baka ulyanin na siya kapag nasa dating age na ang kanyang magiging supling.


Nitong nakaraang Martes, April 21, nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Miss Universe Philippines 2015 na si Pia Wurtzbach.

Dito ay inamin ng beauty queen na patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa tanong kung ano ang estado ng kanilang relasyon, sinabi ng 25-year-old beauty queen na “friends” lang talaga sila.

Read: Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach keeps in touch with President Noynoy Aquino


“A LITTLE LESS NOW THAN I WAS BEFORE.” Sa panayam naman ng South China Morning Post kay PNoy noong Martes din, natanong ang Pangulo ng Pilipinas kung umaasa pa ba siyang makakapag-asawa.

Tugon ni PNoy, “A little less now than I was before.

“At some point in time, it does become kind of a ridiculous exercise."

Naikuwento rin ni PNoy na mayroon siyang tatlong kaibigang may mga anak nang nasa dating stage.

“You know, just to give you an idea, and you make fun of it, my barkada [friends now] have children more or less… in the dating stage.

“You know, perhaps, that’s where God is kind to me. They looked at me and said: ‘Why?’”

Sabi raw niya sa mga ito, “You know, by the time I have a daughter who’s gonna… be going out on dates, I’ll probably be senile and won’t understand any of it anymore.’

“So God has a perfect plan for all of us.”

Itinanong din kay PNoy kung lumalabas pa ba sila ni Pia.

Ang tanging sagot lang ng Pangulo ay: “Secret.”

Si PNoy ay 55 na ngayon.

Ang dating Valenzuela councilor na si Shalani Soledad ang hayag na naging girlfriend niya sa loob ng dalawang taon.

Sumunod na naiugnay sa kanyang pangalan sina Liz Uy, Grace Lee, at ngayon nga ay si Pia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN